Tiwala ng Batangueño ipinamalas kay Gov. DoDo sa nakuhang higit 1 milyong boto, pinakamataas na election turnout para sa nasabing posisyon sa buong bansa.

Invitation to Bid
May 15, 2019
Distribution of Brigada Eskwela Materials, isinagawa
May 18, 2019

May 16, 2019

Landslide at makasaysayan kung maituturing ang muling pagkapanalo ni Batangas Governor Dodo Mandanas para sa kaniyang ikalawang termino matapos makakuha ng mahigit sa isang milyong boto, na pinakamataas na election turnout para sa nasabing posisyon sa buong bansa.

Base ito sa partial and unofficial results ng transparency server ng Commission on Election kung saan noong ika-16 ng Mayo, sa huling datos nito, ay pumalo na sa 98.23% ang Total Election Returns (ERs) Processed sa buong lalawigan at may kabuuang 1, 058,020 na bilang ng boto na para kay Governor Mandanas.

Kilala ang Lalawigan ng Batangas bilang ika-pito sa top 20 vote-rich provinces sa bansa na mayroong 1,717,292 na registered voters.

Sa ipinalabas na mensahe ng punong lalawigan, malaki ang pasasalamat nito sa lahat ng Batangueño at nangakong pag-iibayuhin pa ang pagganap sa tungkulin lalo at higit sa pagnanais na mapagsilbihan ang mga kababayan patungo sa isang minimithing #RichBatangas.

Noong Halalan 2016, kung saan naungusan ni Gov. Mandanas ang mga katunggaling sina Vice Gov. Mark Leviste, 4th District Congressman Dong Mendoza at AGAP Party List Congressman Niki Briones, nanguna siya nang makakalap ng 337,829 na mga boto o halos 27% ng mahigit 1.2 Milyong Batangueñong bumoto.

Patunay ang mahigit isang milyong boto ng nagkakaisang pagpapahayag ng mga kababayan, sa pamamagitan ng balota, sa tapat na serbisyo at progresibong mga programa na nakatuon sa patuloy na pag-unlad ng Lalawigan ng Batangas sa ilalim ng Mandanas administration. – Mark Jonathan M. Macaraig, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.