Teknikal at mga Medikal na Gawain Laban sa Pagakalat ng COVID 19 Tuloy–tuloy na Isinasagawa sa Lalawigan

Batangas PEO: Tuloy ang Infra Projects kahit may COVID-19 Pandemic
June 26, 2020
“Puhunan ko, para sa iyong pagbabago”, proyekto ng Batangas PNP noong ECQ
July 1, 2020

July 1, 2020

Patuloy ang pagkilos ng Batangas Province Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa kanilang mga gawaing medikal at teknikal, na sinundan serye ng mahahalagang pagpupulong para pigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa lalawigan, at mabilisang matukoy ang mga posibleng kaso nito.

Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa kanilang mga gawaing medikal at teknikal, na sinundan serye ng mahahalagang pagpupulong para pigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa lalawigan, at mabilisang matukoy ang mga posibleng kaso nito.

Ang mga aktibidad na ito ay batay sa opisyal na ulat na inilabas ng Provincial Health Office kaugnay ng mga hakbang na isinagawa ng tanggapan at mga katulong nitong mga ahensya noong ika-22 hanggang ika-26 ng Hunyo 2020.

Kabilang sa mga aktibidad ang serye ng disinfection procedures sa mga pampamahalaang tanggapan sa loob at labas ng Provincial Capitol, pagsasagawa ng screening and testing gamit ang rapid diagnostic tests at Orapharyngeal and Nasopharyngeal Swab test para mga frontliners, at ocular inspection and monitoring ng mga triage area at holding and isolation facilities sa mga district hospitals sa lalawigan.

Ilan sa mga naganap na pagpupulong at seminar naman ang isinagawa kasama ang mga kinatawan ng Pamahalaang Bayan ng Lemery at rural health units nito, semi-annual meeting ng Nutritionist –Dietitians and Nutrition Officers ng PHO Technical Working Group, at emergency meeting on Integrated Helminth Control Program Implementation Program During COVID-19 Pandemic na dinaluhan ng mga doktor at mga medical specialists ng PHO.

Ang buong lalawigan ay mahigpit pa ring nagpapatupad ng mga itinakdang Community Quarantine guidelines na inilabas ng National Inter-Agency Task Force para mapigilan ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Mahigpit pa rin ang atas at tagubilin ng pamahalaang panlalawigan sa mga lokal na pamahalaan at sa lahat ng mga Batangueño, na sundin ang mga quarantine protocols tulad ng physical o social distancing, pagsusuot ng face mask at Personal Protective Equipment (PPE), at pagsunod sa mga itinakadang curfew at Stay at Home policy para sa mga may edad ng dalawampung taon pababa, mga senior citizens at mga indibidwal na may iniinda nang respiratory conditions.

E.V. Zabarte –Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.