Teenage Pregnancy Capability Building para sa mga Out-Of-School Youth, isinagawa sa Kapitolyo

Batangueñang empleyado ng Kapitolyo, multi-awardee sa WCOPA 2019
August 5, 2019
BM Malinay, muling nahalal na PCL – Batangas President
August 7, 2019

August 5, 2019

Isang Capability Building for Out-of-School Youth, na nakatuon sa Teenage Pregnancy Forum, ang isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City noong ika-2 ng Agosto 2019.

Tinalakay ni Ms. Kristine Adao ng Population Commission ang tungkol sa Teen-Age Pregnancies at ang epekto nito sa mga lalawigan, lungsod at bayan.

Ipinaliwanag naman ni Ms. Ann Cyrill Tabili, Disease Surveilance Officer ng Department of Health (DOH) ang tungkol sa Impact of Teen-Age Pregnancy at ang mga kasalukuyang inisyatiba ng DOH upang matugunan ang mga ito.

Layunin ng programa na maibahagi at maipaliwanag ang maaaring maidulot ng maagang pagbubuntis sa mga kababaihan ng lalawigan.

Tinalakay din sa programa ang posibleng maging tulong at paggabay ng DOH at PSWDO, katulad ang pagtuturo ng mga paraan upang maiwasan ang teenage pregnancies, psychological services, at employment at livelihood trainings.

Kabilang sa nakiisa sa pagtitipon sina 1st District Board Member Carlo Roman G. Rosales, Chairperson ng Committee on Social Welfare ng Sangguniang Panlalawigan at SK Federation President, Board Member Maria Louise Vale.

Junjun De Chavez – Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.