Techno-Gabay Program Summit delegates nag-socialize sa Governor’s Night

Paghahanda para sa Bulkang Taal, tinalakay sa Kapitolyo
November 21, 2019
Techno Gabay Program Summit 2019, ginanap sa Lalawigan ng Batangas
November 25, 2019

November 22, 2019

Pinangunahan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) ang isinagawang Governor’s Night ng Provincial Government of Batangas para sa Techno Gabay Program (TGP) Summit 2019 noong ika-21 ng Nobyembre 2019 sa Dalubhasaan Bldg., Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas City.

Layunin ng Governor’s Night, na kinatampukan ng mga inspirational messages, kasiyahan, at socialization para sa mga delegates ng TGP Summit, ang lalong paigtingin ang samahan ng mga magsasaka at magkaroon ng pagkakataong magkakila-kila ang mga kinatawan ng mga lalawigan ng CALABARZON.

Malugod na tinanggap ni Governor DoDo Mandanas ang mga panauhin at binigyang-diin na napakahalaga ng pagpapalitan ng kaalaman at karanasan sa larangan ng agrikultura upang mapataas ang antas ng teknikal na mga kaalaman ng mga magsasaka ng CALABARZON.

Sinabi naman ni Engr. Pablito A. Balantac, Provincial Agriculturist, na ang Summit ay napapanahon upang mapag-usapan at mabigyan ng pansin ang pabago-bagong klima at suliraning nararanasan ng mga magsasaka, at makapaghanda ng mga alternatibong solusyon upang makapagkamit ng mataas na ani at malaking kita.

Kabilang sa mga naging bisita si Ms. Marites Piamonte Cosico, Center Director ng Agricultural Training Institute – Region IV-A, sa selebrasyon kung saan nagpamalas ng isang cultural presentation ang mga estudyante ng Batangas State University, may Live Band at nagkaroon ng raffle prizes mula sa pamahalaang panlalawigan.

Junjun Hara De Chavez – Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.