Tawilis, Taal Lake Patuloy na Pinangangalagaan

REGIONAL MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-02
February 4, 2019
Batangas Capitol, Panhua Group ng China Nagpulong Tungkol sa Pamumuhunan sa Lalawigan
February 8, 2019

February 8, 2018

Nilinaw ng mga kinatawan ng Department of Environment and Natural Resources – Region IVA na hindi totoo na ang isdang Tawilis, ang nag-iisang freshwater sardine sa mundo na endemic o sa Lawa ng Taal lamang matatagpuan, ay isa nang endangered species, taliwas sa mga naglabasang balita kamakailan.

Isinagawa ang pagbabahagi ng DENR – Region IVA, kasama ang iba’t ibang mga ahensiya ng pamahalaan, kabilang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at mga bayan na nasa palibot ng Lawa ng Taal, sa isang press conference na ginanap sa Green Coral Resort, Lungsod ng Batangas noong ika-1 ng Pebrero 2019.

Ayon kay Batangas Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) Chief Elmer Bascos, bago pa man lumabas ang International Union for the Conservation of Nature (IUCN) findings ay naikasa na ng kanilang tanggapan at ng Protected Area Management Board (PAMB) ng Taal Volcano Protected Landscape ang mga hakbang upang mapangalagaan ang Tawilis.

Idinagdag pa niya na nagpasa ng resolusyon ang PAMB para sa pagkakaroon ng closed season sa pangingisda ng Tawilis tuwing mga buwan ng Marso at Abril, na magsisimulang ngayong taong ito. Nagpulong din ang pang-rehiyon at panlalawigang mga tanggapan ng DENR at ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) IVA upang gawing Tawilis conservation areas ang mga fishing grounds na sakop ng Cuenca, San Nicolas, at Balete.

Sinang-ayunan naman ng mga opisyal na ang ulat ng IUCN na banta sa tawilis ang overfishing, polusiyon, at kompetisyon mula sa mga invasive species. Binigyang-diin din ang wastong implementasyon ng mga batas na sumasaklaw sa lawa, ang patuloy na monitoring ng populasyon ng Tawilis, at monitoring ng kalidad ng tubig.

Nabanggit din ng DENR ang patuloy na pakikipag-ugnayan nito sa Pamahalaang Panlalawigan, sa pangunguna ni Governor Dodo Mandanas, upang muling buhayin ang Task Force Taal Lake upang makatulong sa pagpapatupad ng mga isinusulong na panukala upang mapangalagaan ang likas na yaman sa palibot ng Lawa ng Taal. ✐Shelly Umali – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.