Tawid Dagat na Tulong Hatid ng Pamahalaang Panlalawigan

Dugong Bigay, Dugtong Buhay: Higit 160 Bags ng Dugo, Nakolekta sa Blood Olympics
November 20, 2020
Prov’l. Agri: Pinsala ni #UlyssesPH sa Agrikultura sa Lalawigan ng Batangas, Higit ₱15 Milyon
November 21, 2020

November 20, 2020

Tawid dagat man ay walang imposible sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Governor DoDo Mandanas, upang maipaabot ang nararapat na ayuda sa lalong madaling panahon sa mga naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.

Kasama ang mga kinatawan mula sa Provincial Social Welfare and Development Office; Provincial Cooperative, Livelihood and Development Enterprise Office; Office of the Governor; Provincial Health Office; Office of the Vice Governor; Provincial Assistance for Community Development Office; at Provincial Information Office (PIO), ang Disaster Relief Operation ng Kapitolyo ay nagtungo sa Bayan ng Tingloy noong ika-19 ng Nobyembre 2020.

Ipinamahagi ng pamahalaang panlalawigan ang bigas, canned goods, instant noodles, water containers, at mga sapatos para sa mga bata.

Sa naging mensahe ni Mayor Lauro Alvarez, ipinahayag nito na napakalaking tulong ang dinala ng pamahalaang panlalawigan sa kanilang bayan. “Taos puso ko pong tinatanggap ang inyong biyayang ipinagkaloob sa amin,” aniya.

Nakiisa sa operasyon sina Vice Governor Mark Leviste, 2nd District Board Member Arlene Magboo, kinatawan ni Bokal Wilson Rivera, Vice Mayor Rolando Masangkay, Municipal Councilors ng Tingloy, barangay officials at volunteers, at mga tricycle drivers.

Jun–Jun De Chavez – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.