Talakayan sa Transportasyon, Trapiko, Trabaho, at Pabahay, Tampok sa RDC Meet

Bagong Gusali ng Pangkultura at Turismo, Pinasinayaan
December 8, 2017
Bb. Padre Garcia, Nagwaging Mutya ng Batangas 2017
December 13, 2017

CALABARZON RDC Full Council Meeting. Pinangunahan ni Batangas Gov. Dodo Mandanas ang mga talakayan sa ginanap na 4th Quarter Regional Development Council (RDC) Full Council Meeting sa Bulwagang Batangan, Provincial Capitol Building sa Lungsod ng Batangas noong ika-5 ng Disyembre 2017. Jenny Asilo Aguilera / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

December 6,  2017

CALABARZON RDC Full Council Meeting. Pinangunahan ni Batangas Gov. Dodo Mandanas ang mga talakayan sa ginanap na 4th Quarter Regional Development Council (RDC) Full Council Meeting sa Bulwagang Batangan, Provincial Capitol Building sa Lungsod ng Batangas noong ika-5 ng Disyembre 2017. Jenny Asilo Aguilera / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Tinalakay ang iba’t ibang isyu na may kaugnayan sa transportasyon, trapiko, trabaho at pabahay   sa ginanap na 4th Quarter Regional Development Council (RDC) Press Conference sa Provincial Planning and Development Office, Provincial Capitol Compound sa Lungsod ng Batangas noong ika-5 ng Disyembre 2017.

Pinangunahan ni Gov. Dodo Mandanas ang pagsisimula ng pagpupulong, kasama si RDC Regional Director Luis G. Banua at kinatawan ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan at dito ay binigyang diin ng Gobernador ang programa ng lalawigan na pag ibayuhin ang pagsasagawa ng mga imprastraktura na mag papabuti ng kalagayan ng mga nasabing usapin.

Ayon kay Governor Mandanas, ang pagpapalawak at pagsasagawa ng mga programang imprastraktura ay bilang pagsuporta ng Lalawigan ng Batangas sa “Build, Build, Build” Initiative ng pamahalaang nasyunal na naglalayong maitayo ang mga world class infrastructures sa bansa sa ilalim ng pamunuan ni Presidente Rodrigo Roa Duterte.

Tinalakay ang muling pagbuhay ng railway system  na mag-uugnay sa Lalawigan ng Laguna at Batangas; mga hakbang na isasagawa upang masolusyunan ang trapiko sa lalawigan; pagkakaroon mga ng aberya o sakuna dulot ng mga construction sa highway at mga posteng humaharang sa kalsada; ganun na rin ang mga programa na magsusulong ng employment and housing para sa mga mamamayan di lamang sa lalawigan kundi sa kabuuan ng CALABARZON.

Ayon kay Director Banua, tapos na umano ang pag-aaral sa pagbuhay ng railway system na mag-uugnay sa Lalawigan ng Laguna at Batangas, at tanging implementasyon na lamang ng proyekto ang kanilang iniintay. Dagdag pa aniya, mas magiging mura ang pamasahe rito at higit na ligtas dahil sa pagkakaroon ng sariling daanan.

Nabanggit din ni Director  Banua, ang pag-aaral sa mga hakbang na maglilimita ng pagbili ng bagong sasakyan upang mabawasan ang trapiko, nang sa gayon ay maging mabilis ang sistema ng transportasyon sa rehiyon.

Tinutukan rin ng pansin sa nasabing presscon ang pagpapaunlad pa ng antas ng agrikultura sa ating lalawigan. Kaugnay nga rito, nais ipaalam ng Commission on Higher Education (CHED) na nagbibigay sila ng full scholarship sa mga nag-nanais na higit na matutunan ang pag-agrikultura.

Inaasahan naman na sa pagkakaroon muli ng ganitong klaseng pagpupulong ay maunawaan ng mga Batangueño ang mga pinaplanong proyekto at inaaksyunang problema ng Pamahalaan ng Lalawigan./ Batangas PIO; Nicole Bermas/Edwin Zabarte

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.