Taal Volcano, Nananatili sa Alert Level 1

Notice of Award – Purchase of Medical Supplies (3cc Syringe 100’s, Abdominal Binder, etc.) for the treatment and management of co-morbidities for vulnerable and high risk groups prone to COVID-19
February 11, 2021
Regulasyon sa Pag-angkat, Administrasyon ng Bakuna Laban sa COVID-19, Tinalakay sa IATF Meet
February 12, 2021

February 12, 2021

Pagbabalik ng Ilang Residente sa Volcano Island, Tinalakay sa PDRRMC 1st Quarter Meeting

Dalawampu’t isang volcanic earthquakes ang naitala ng Taal Observatory sa loob ng halos dalawang linggo, mula January 11 hanggang 21, 2021, mula sa Bulkang Taal.

Ito ang iniulat ni Department of Science and Technology – Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS) Resident Volcanologist, Mr. Paolo Reniva, sa isinagawang 1st Quarter meeting ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council noong Enero 21, 2021.

Sa hybrid na pagpupulong, na pinangunahan ni Governor Hermilando “Dodo” Mandanas, ibinahagi ni Reniva na mayroon pa ring steaming activity sa bulkan, na umaabot sa lima hanggang sampung metrong taas, subalit limitado lamang umano ito sa main crater area. Nagkaroon din aniya ng bahagyang inflation o pamamaga sa volcano island.

Sa kabila nito, sa pagtataya ng PHIVOLCS, nananatiling nasa alert level 1 ang Bulkang Taal, ang antas nito simula pa noong March 19, 2020. Pero ipinaalala muli ng volcanologist na posible pa rin ang pagkakaroon ng mga malalakas na pagyanig at biglaang pagsabog nito.

Binigyang-diin din ni Reniva na ang volcano island o ang “Pulo” ay nakadeklarang permanent danger zone, kung kaya at mahigpit pa ring ipinagbabawal ang paninirahan o maging ang pagbisita dito.

Nanawagan din si Reniva sa mga nagpapakalat ng mga fake news at maling impormasyon sa pamamagitan ng text o social media na nagbibigay takot sa mga residenteng naninirahan sa paligid ng Lawa ng Taal.

Kaugnay nito, iniulat naman ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Department Head Joselito Castro ang resulta ng kanilang naging inspeksyon sa Pulo, kasama ang Philippine Coast Guard, kung saan napansin nila na may ilang mga pamilyang muli nang nagbalik at naninirahan ditto, partikular ang mga nag-aalaga ng isda at nagbabantay sa mga fish cages.

Ipinaliwanag naman ni Governor Mandanas na, bagama’t tumutulong at tungkulin ng kanyang administrasyon ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Batangueño, may batas na nagsasaad na ang pamamahala at may responsibilidad sa mahigit 60,000 na ektarya na nasa loob ng Taal Volcano Protected Landscape ay ang Protected Area Management Board (PAMB).

Inatasan din niya si Provincial Legal Office Head, Fiscal Cesar Castor, na dumalo sa susunod na pagpupulong ng PAMB, bago matapos ang buwan ng Pebrero, para sa mga paglilinaw ng mga batas at tungkulin ng mga local government units at miyembro nito.

Jun Magnaye / Drone Photo: Allen Racho – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.