Taal Volcano Eruption Emergency and Contingency Planning, Binalangkas

Pamamahagi ng Tulong Pinansyal sa mga Iskolar ng Mandanas Administration, Isinagawa
May 2, 2018
Notice of Vacant Positions
May 8, 2018

May 3, 2018

Patuloy na  isinasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang pagpapalakas ng kahandaan nito sa pagtugon sa disaster at mga kalamidad matapos isagawa ng Batangas Provincial  Disaster  and Risk Reduction Management  Council ang Taal Volcano Eruption Contingency Planning and Workshop noong ika -2 ng Mayo 2018.

Nagkaisang binalangkas ng Batangas PDRRM Council na kibibilangan ng mga kinatawan mula sa mga iba’t-ibang local and national government agencies at mga representante mula sa 14 na Local Government Units na nakapaligid sa Lawa ng Taal.
Partikular na tinutukan sa planning workshop ang mga hakbang na gagawing sa oras na maganap ang 3 major eruption scenarios ng bulkan na maaring tumama sa mga pamayanang malapit dito.

Ang mga ito ay ang Bay Surge o pagbulusok na maiinit na gas  at usok kasama ang volcanic debris sa paligid ng lawa; Lake Oscillation o pagtaas ng level ng tubig at pag-alon na dulot ng pagputok ng bulkan; at, ang Volcanic Ballistic Projectiles o pagbuga ng mga volcanic debris paitaas at pagbagsak ng mga ito sa mga bayang nakapaligid dito.

Sa pagbuo ng Command and Control na kinapapalooban ng Incident Command System and establishment of  Incident Management Team, binalangkas dito ang  plano sa pagkakaroon  ng mga tamang lugar upang isagawa ang operasyon sa bawat munisipyo na malayo sa mga itinalagang permanent danger zones.

Nilalaman nito ang delegasyon ng mga area at incident commanders na gaganap sa operasyon ng disaster response; pag-alam sa pagtatayo ng command centers, pinakamalapit na designated evacuation sites, at mga hospital at surveying ng kabuuan ng provincial road networks; at, pagtatalaga ng mga helicopter bases, para gamitin sa airlift and evacuation operations.

Ayon kay Ms. Fe Fernandez, PDRRM Officer IV, ang ganitong paghahanda ay isinasagawa ng kanilang tanggapan upang sa oras na ma-activate ang disaster plan, mabilisan ng maisasagawa ng mga kasapi ng konseho at mga responders ang kanilang tungkulin at agarang maililikas, mabibigyang lunas, at mapapaabutan ng tulong ang mga nangangailangan.  Kasama na din dito ang mabilisang ugnayan at pagbibigay impormasyon sa publiko sa tulong nga emergency telecommunications systems.

Patuloy namang nananawagan si Fire Chief  Sr. Insp. Glenn Salazar, na isa sa mga nanguna sa pagbuo ng plano, sa bawat pamilyang Batangueño na simulan ang kahandaan sa sakuna at kalamidad sa tahanan, at ibahagi ang kaalaman sa pagiging ligtas sa ibang tao sapagkat, aniya, “Ligtas ang may Alam.”  / Edwin V. Zabarte-PIO Batangas

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.