Taal, Nasugbu, Ipinamalas sa Filipino–Canadian Visitors

104th Lian Foundation, 74th Nasugbu Landings and Liberation Day Anniv Ipinagdiwang
January 31, 2019
“Pagkain, Transportasyon, at Komunikasyon” Mensahe ni Imee Marcos sa mga Batangueño
January 31, 2019

January 31, 2019

Malugod na tinanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang delegasyon ng Winter Escapade 6 –It’s More Fun in the Philippines (WE-IMFITPH) sa Munisipalidad ng Taal para sa isang Heritage Tour noong ika -29 ng Enero 2019.

Ang Winter Escapade ay isang programa ng Department of Tourism (DoT) para anyayahan ang mga Canadians at Filipino-Canadians na bumisita sa Pilipines upang makita ang mga magagandang tourism destinations at potensiyal nito para sa pamumuhunan at pagnenegosyo. Ang 6th edition ay nakatuon sa culture, heritage at history ng Batangas Province.

Sa pagtutulungan ng DoT at Batangas Provincial Tourism and Cultural Affairs Office, kasama ang Taal Municipal Government, inihanda at ipinakita ang mga ipinagmamalaking cultural heritage sites, tulad ng Taal Basilica, Museo Apacible at Agoncillio, ganoon na rin ang mga pagawaan ng dalawang kilalang produkto ng Taal – ang Balisong at ang Burdang Taal.

Sa inihandang luncheon, na pinangunahan nina Batangas Governor Dodo Mandanas at Atty Gina Reyes-Mandanas, ipinakita rin sa Filipino-Canadian delegation ang iba pang mga pangunahing pasyalan sa lalawigan, partikular ang Faith & Pilgrimage Tourism attractions tulad ng Monte Maria Shrine sa Lungsod ng Batangas, at Farm Tourism destinations kagaya ng Paraiso Village Farm sa Munisipalidad ng San Jose.

Nagkaroon din ng pagkakataon si Governor Mandanas na ipaabot ang imbitasyon sa Filipino-Canadian community na dumalo at makiisa sa 500th Year Quincentennial Celebration o ika-500 taon ng Pagdating ng Kristiyanismo sa Pilipinas na ipagdiriwang sa Lalawigan.

Ipinaalam ni Governor Mandanas sa delegasyon na ipinahatid na ng mga organizers ng Quincentennial Celebration ang imbistasyon sa Santo Papa, Pope Francis, at isa sa mga nakatakda sa programa ang pagbisita sa Taal Basilica sa bayan ng Taal, ang pinakamalaking simbahan sa buong Asya.

Ang 240 Filipino-Canadian delegation ay nagmula sa consulate communities ng Ottawa, Calgary, Toronto, Vancouver, Edmonton, at Winnipeg.

Matapos ang mga nakahanay na aktibidad sa Taal Heritage Town, tumungo ang mga bisita sa Munisipalidad ng Nasugbu upang saksihan ang mga kilalang beach resorts dito kung saan matutunghayan ang makasaysayan at marikit na baybayin ng nasabing bayan./ Edwin v. Zabarte-PIOBatangas.

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.