Suporta sa People’s Initiative Patuloy na Lumalakas

Retirees ng Kapitolyo, Pinarangalan
December 3, 2018
Provincial Solid Waste Management Board Meeting, Idinaos
December 5, 2018

December 5, 2018

Nagpahayag ng pagsuporta ang Citizens Crime Watch of the Philippines (CCW), Partido ng Manggagawa sa Pilipinas (PMP) at Philippine Councilors’ League (PCL) sa isinusulong na People’s Initiative (PI) bilang paraan upang maamyendahan ang ilang mga probisyon ng Konstitusyon ng Pilipinas.

Opisyal na nakiisa ang CCW at PMP sa layunin ng People’s Initiative sa isang pagpupulong na ginanap sa Astoria Plaza, Ortigas sa Lungsod ng Pasig noong ika-30 ng Nobyembre 2018, samantalang ang PCL ay nagpahayag ng pag-sang-ayon ditto sa idinaos na National Executive Officers Meeting at PCL General Assembly sa Maynila noong ika-4 at 5 ng Disyembre.

Ang Citizens Crime Watch of the Philippines ay isang pribadong organisasyon na kumikilos bilang community initiative upang maisulong ang kaligtasan ng publiko, matutukan ang government accountability at mabawasan ang bilang ng mga biktima ng karahasan o krimen.

Ang Partido ng Manggagawa or Labor Party naman ay isang partidong pampulitika na naitatag noong 1999; habang ang PCL ay isang opisyal na local government association na may layuning mapagtibay ang ugnayan at kapatiran ng mga lokal na mambabatas o konsehal ng mga lungsod at bayan.

Ang PI ay isa sa tatlong paraan upang maamyendahan ang Konstitusyon, bukod sa Constituent Assembly at Constitutional Convention. Ito ay isang inisyatibo ng mga karaniwang mamamayan kung saan sila ay mabibigyan ng pagkakataong baguhin, ipasa at maipanukala ang mga pagbabago sa 1987 Constitution para palakasin ang kakayahan ng mga local government units, particular ang pagpapalaki ng kabahagi sa mga buwis alinsunod sa pagtukoy sa mga panuntunan.

Lubos ang pasasalamat ni Batangas Governor Dodo Mandanas sa patuloy na nakukuhang suporta sa nasabing inisyatibo. Ang gobernador ay isa sa mga nangunguna sa pagsusumikap na mas mapalakas pa at mapagtibay ang lokal na awtonomiya sa buong bansa upang maihatid ang mga pangunahing serbisyo at programa ng mas mabilis at maayos.

Samantala, patuloy ang isinasagawang pakikipag-ugnayan sa bawat lungsod, bayan at barangay para mas maipaliwanag ang kahalagahan ng People’s Initiative at ang mga isinusulong na pagbabago sa Konstitusyon upang makakalap ng sapat na pirma. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.