Super Typhoon Rolly, Pinaghandaan ng Batangas PDRRMO

Supplemental Bulletin – Change of venue of the Pre-Bid Conference for Project “Detailed Engineering Survey for Brgy. San Isidro, Brgy. Pinagbayanan and Brgy. Guinhawa, Taysan, Batangas for the road survey of Philippine Rural Development Project (PRDP) in the Municipality of Taysan and survey relocation of two (2) government properties located at Batangas City” of the Provincial Government of Batangas from Provincial Auditorium to BAC Office, 2nd Floor, both located in the Capitol Site, Batangas City
November 3, 2020
Jiangsu Chamber of Commerce of the Philippines, Naghatid ng Ayuda sa Nasalanta ng Bagyong Rolly sa Batangas
November 3, 2020

November 3, 2020

Malayo pa si Bagyong Rolly, naghanda na ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), dahil inaasahan na nga itong maging isang super typhoon sa pagtataya ng mga weather experts.

Ito ang ibinahagi ni PDRRMO Chief Joselito Castro sa panayam sa B’yaheng Kapitolyo, ang opisyal na programang pang-radyo ng pamahalaang panlalawigan, noong ika-3 ng Nobyembre 2020, dalawang araw matapos dumaan sa Lalawigan ng Batangas ang nasabing sama ng panahon.

Sa patnubay ni Gov. DoDo Mandanas, nagsagawa ng mga pagpupulong ang Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council upang masiguro ang kahandaan ng mga miyembro at katuwang nito. Partikular na tinutukan ng konseho ang response cluster upang matingnan ang kahandaan ng mga kagamitan at mga tauhan na bumubuo sa mga grupong inatasang rumisponde sa anumang mga magiging sakuna.

Nagpatong na Epekto nina #Rolly at #Quinta

Sa kasalukuyan, isinasagawa pa ang damage assessment dahil kay Bagyong Rolly, habang tinatapos pa rin ang mga kaparehong aktibidad para matukoy ang epekto ni Bagyong Quinta, na dumaan sa malapit sa Batangas isang linggo pa lamang ang nakakalipas.

Ayon kay Castro, si #Quinta, na tinumbok ang mga lalawigan ng Mindoro, ay nagtaglay ng malakas na hangin na naging dahilan sa mahigit isang libong totally-damaged na kabahayan, at mahigit limang libong partially-damaged houses. Si #Rolly naman, matapos bagtasin ang mga lalawigan ng Bicol Region, Marinduque, at Quezon, ay humina na mula sa super typhoon status nito subalit nagbuhos pa rin ng marami at malakas na ulan sa Batangas Province, na naging sanhi naman ng malawakang pagbaha.

Dagdag pa ng hepe ng PDRRMO, ang mga nasirang ari-arian sa larangan ng agrikultura at paghahayupan ay nasa mahigit isang bilyong piso dahil kay #Quinta. Inaasahang mas lalaki pa ito, matapos daanan ni #Rolly ang lalawigan.

Dalawang Batangueño, mula sa mga Bayan ng Padre Garcia at San Jose, ang naitalang nalunod dahil sa pagtaas ng tubig sa mga spillway at ilog, samantalang 2 pa ang nawawala.

Naglabasan din ang mga malalaki at malalalim na bitak sa lupa sa Mataas na Bayan, Lemery, na mula pa noong pumutok ang Bulkang Taal. Dahil sa malakas na ulan, lumalim at lumapad ang mga butas dahil naanod ang lupa sa paligid ng mga bitak. Ayon kay Ginoong Castro, isasama na mga nasabing butas sa hazard map ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Tungkol naman sa malawakang mga pagbaha na nangyari sa Lungsod ng Batangas, ipinaliwanag ng PDRRMO chief na isang naging malaking dahilan nito ang hindi pa natatapos na clearing operations sa mga drainage systems at waterways. Aniya, iisang linggo pa lang ang nakalilipas nang daanan ang lalawigan ng malakas na bagyo kaya kasalukuyan pang isinasagawa ang mga pag-aalis ng mga nabuwal na puno at iba pang mga debris.

Dahil sa mga barado pang daluyan ng tubig, umapaw ang mga estero at ilog dahil sa malakas na ulang dala ni #Rolly.

Dulot ng Climate Change

Binigyang-diin naman ni Ginoong Castro na ang mga bagyo sa mga buwang ito na tag-lamig na o Amihan ay patunay ng Climate Change.

Noong una, aniya, kapag ganitong mga buwan ng Oktubre hanggang Pebrero ay wala nang bagyong pumapasok sa bansa. Mas kinakailangan ngayon ang ibayong paghahanda at pag-iingat, lalo na at umiiral ang La Niña na magdadala ng mas maraming ulan at hydro – meteorological hazards hanggang Marso 2021.

Laging Maging Handa

Paalala rin ni Ginoong Castro sa mga kababayan na laging maging handa at mag-ingat sa pagharap sa mga kalamidad. Isaayos aniya ang mga tahanan at bakuran, turuan at kinakailangang maalam ang lahat ng mga miyembro ng pamilya sa mga kinakailangang gawin kapag may panganib, sumunod sa mga pre-emptive evacuations dahil para ito mailayo ang mga tao sa mga banta ng kalamidad, makiisa sa mga local government units, at makinig lamang sa mga tamang impormasyon.

“Walang iwanan. Busog tayo sa paalala at paggabay ni Gov. Mandanas sa mga panahong ganito,” pagbabahagi ni Ginoong Castro. “Sa ating sama-samang panalangin, mas mahina na ang bagyong Rolly pagdating dito sa atin.”

Nagpasalamat din ito sa mga katuwang ng PDRRMO, mula sa mga tanggapan ng Kapitolyo, Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire, Armed Forces of the Philippines, at Department of Public Works and Highways.

Binigyang-pansin din niya ang pagkakaisa at patuloy na pagbabayanihan ng lahat ng 34 na mga city at municipal Disaster Risk Reduction and Management Offices ng Lalawigan ng Batangas.

Vince Altar / Photos: Karl Ambida & Mon Carag – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.