Special Recruitment Activity ng PACD-PESO, Muling Isinagawa para sa Mamamayang Batangueño

Lung Scouring and Fecal Collection para sa mga Baboy, Patuloy na Isinasagawa ng ProVet
July 4, 2018
Vlogging Workshop Isinagawa
July 4, 2018

July 4, 2018

Isang Special Recruitment Activity (SRA) ang muling isinagawa ng Provincial Assistance for Community Development – Provincial Employment Service Office o PACD – PESO katuwang ang isang job placement center para sa mga trabaho sa labas ng bansa. Ang nasabing aktibidad ay ginanap sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City noong ika-4 ng Hulyo 2018.

Ilan sa mga trabahong alok ng aktibidad ay mga trabahong may kinalaman sa konstruksyon tulad ng mga Inspection Managers, Pippers, Technician, Electrician, Fitters, Surveyors, Safety Officers, Scaffolders, Rigger, Material Controler at mga Engineers.

Nagkaroon ang SRA ng 216 na aplikante, at humigit kumulang 40 na ang mga nag qualified dito. Samantala, ayon sa PESO ay mayroong iba pang aplikante dadaan pa sa ilang proseso gaya ng interview at medical examinations kaya madadagdagan pa ang bilang ng mga nag qualified.

Ayon kay Tala Olan, Labor Employment Officer II ng PESO, kada buwan ay nagkakaroon sila ng ganitong aktibidad at ito ang unang recruitment activity na isinagawa ng opisina para sa buwan ng Hulyo handog sa mga Batangueñong nagnanais magkaroon ng trabaho. – John Derick Ilagan – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.