SP Resolution, pinuri ang pagkahirang bilang Outstanding Police Officer ni PD Quilates

“Safe Blood for all ”, tema ng 5th Batangas Blood Council Poster Making Contest
September 25, 2019
BM Magboo, isinusulong ang vaccine reinforcement sa lalawigan
September 26, 2019

September 26, 2019

Ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Batangas, sa pangunguna ni 5th District Board Member (BM) Arthur Blanco, ang isang resolusyon na pinapapurihan ang pagkilala kay P./Col Atty. Edwin A. Quilates, kasalukuyang Batangas Police Provincial Director (PD), bilang isa sa Top 10 Outstanding Police Officers ng Metrobank Foundation noong ik-23 ng Setyembre 2019.

Sa 12th Regular Session ng SP, binigyang-diin ng mga Batangueñong bokal, na bagama’t hindi tubong Batangas, buong tapang at pagsusungmikap namang pinoprotektahan ni Quilates ang katahimikan at kaligtasan ng lalawigan.

Ito ay sa pagpapatupad ng Oplan Iron Curtain o mas kilala bilang ‘lockdown’ noong 2018, na itinuring na best practice at batayan sa matagumpay na pag-aresto sa notorious criminals, at naging daan para sa pagbaba ng crime rate, hindi lamang sa lalawigan, kundi pati na rin sa buong CALABARZON Region.

Binansagang “Batangas’ Vanguard of Public Safety,” si Quilates ay kinilala ng Metrobank Foundation sa awarding na ginanap noong September 4, 2019 sa Metrobank Plaza Auditorium, Makati City.

Marinela Jade M. Maneja – Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.