SP End of Term Session, Idinaos; Vice Gov. Nas Ona at Outgoing Board Members, nagpaalam sa SP

Poverty Reduction, Livelihood and Employment Plan Binalangkas sa Batangas
June 24, 2019
Batangas Provincial Highway Patrol Team, Pinakamagaling sa Bansa
June 26, 2019

June 25, 2019

Pormal nang nagpahayag ng kanyang pamamaalam si Vice Governor Sofronio “Nas” Ona, Jr. sa mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Batangas, mga opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan at mga bisitang dumalo sa 23rd Regular Session ng SP noong ika-25 ng Hunyo 2019 sa Salvador H. Laurel Session Hall, Apolinario M. Mabini Legislative Building, Capitol Compound, Batangas City.

Si Ona ay nagsilbi bilang bise gobernador sa loob ng isang termino o tatlong taon, matapos magpasiyang hindi tumakbo para sa reelection, at sa halip ay muling magsilbi bilang alkalde sa Munisipalidad ng Calaca.

Binigyan-diin naman niya ang naging maayos na ugnayan ng SP at ng Executive Department, sa pangunguna nina Gov. DoDo Mandanas, mga department heads, at Chief of Staff, Mrs. Isabel Bejasa.

Sa tinaguriang “end of term” session, tumanggap si Ona at ang mga outgoing board members ng Plaque of Recognition, bilang pagkilala sa kanilang mga kontribusyon sa pagbalangkas ng mga batas na malaki ang naiambag sa pagtataguyod ng Batangas Province bilang isang progresibong lalawigan. – Marinela Jade Maneja, Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.