Sea Ambulance Naipagkaloob na sa 4 na Bayan sa Baybayin ng Taal Lake!

Maliputo Festival Muling Ipinagdiwang!
August 10, 2017
Notice of Vacant Positions
August 11, 2017

August 10, 2017

Kasabay ng pagdiriwang ng Founding Anniversary ng Munisipalidad ng San Nicolas, isa sa mga bayang nakapalibot sa Lawa ng Taal, pormal na nai-turn over ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang anim na rescue boats sa mga punong bayan ng San Nicolas, Agoncillo, Balete at Talisay. Tig – 2 rescue boats ang natanggap ng San Nicolas at Agoncillo, samantalang tag – 1 naman ang napabigay sa Balete at Talisay. Ang mga nasabing bangka na animo’y mga speed boats at may kapasidad na 30 tao ay kabilang sa mga prayoridad na proyekto ni Gov Dodo Mandanas para makapagbigay ayuda sa mga LGUs ng lalawigan patungkol sa mga pangangailangang may kinalaman sa disaster management. Naipagkaloob ang mga nasabing rescue boats sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer, sa pangunguna ni Ginoong Lito Castro. Malaking bagay ang mga nasabing sasakyang pantubig sa mga nabigyang mga bayan dahil sa nasa palibot ang mga ito ng aktibong Bulkang Taal. Gagamitin din ang mga nasabing Bangka sa paghahatid ng mga mag-aaral na nakatira sa volcano island papunta sa kanilang mga paaralan sa kabilang ibayo. Personal na tinanggap ang mga bangka nina San Nicolas Mayor William Enriquez, Agoncillo Mayor Danny Reyes, Balete Mayor Wilson Maralit at Talisay Mayor Jerry Natanauan. Vincent Altar/Photo by: Onin Castillo/Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.