Scientific, Tech/Voc Equipment para sa Junior at Senior HS, ipinamahagi ng Kapitolyo

‘pag “Push ng pagkain ng wasto, pagiging aktibo” ipinagdiwang sa Kapitolyo
July 31, 2019
Contingency planning para sa mga bagyo, binalangkas para sa Batangas Province
August 1, 2019

July 31, 2019

Kasabay ng People’s Day, ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, ang kagamitan at kasangkapan para sa mga Junior at Senior High Schools sa lalawigan noong ika-26 ng Hulyo 2019 sa Bulwagan Batangan, Capitol Compound, Batangas City.

Sa pamamagitan ng Provincial School Board (PSB), katuwang ang Department of Education – Batangas Province Division Office, mahigit isang daang Senior and Junior High Schools ang nakatanggap ng mga scientific equipment, kagaya ng digital, compound at clinical microscopes, at mga kagamitang kinakailangan para sa iba’t ibang technical and vocational tracks, kabilang ang automotive services at bread and pastry production.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Gov. DoDo Mandanas ang halaga ng edukasyon sa pamahalaang panlalawigan, kung kaya patuloy ang mga proyektong ipinagaganap upang mas maitaguyod ang pagpapaganda at pagpapataas ng kakayanan ng mga pampublikong paaralan.

Dumalo sa pagtitipon ang mga guro ng mga recipients na Junior at Senior High Schools, kasama sina 1st District Board Members Junjun Rosales at Glenda Bausas, 2nd District Board Member Arlina Magboo, 3rd District Board Member Rodolfo Balba, at 6th District Board Members Bibong Mendoza at Lydio Lopez.

Naging aktibo sa distribution sina Engr. Evelyn Estigoy, ang PSB Secretariat Head, at mga opisyal ng DepEd Batangas Province. Shelly Umali, Photo: Macc Ocampo – Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.