Sangguniang Panlungsod ng Batangas, National Winner sa 2018 Local Legislative Awards

Verde Island Passage Monitoring & Evaluation workshop, isinagawa sa Kapitolyo
June 18, 2019
CALABARZON Development Guide Tampok sa 2nd Quarter RDC Meet
June 21, 2019

June 20, 2019

Hinirang na National Winner sa Component Cities Category ang Sangguniang Panlungsod ng Batangas sa 2018 Local Legislative Award (LLA) na iginawad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine Councilors League (PCL) noong ika-19 ng Hunyo 2019 sa Waterfront Hotel, Cebu City.

Ang Award of Excellence ay ipinagkaloob sa Sangguniang Panlungsod ng Batangas, kasabay ng 2019 End Term Assembly ng PCL, dahil sa makabuluhan at mahalagang mga naisakatuparan ng nasabing Konseho sa paggawa ng mga lokal na batas na nakaambag sa katuparan ng mga adhikain patungkol sa mga programang panlipunan, pangkabuhayan at wastong pamamahala ng likas yaman.

Pormal na tinanggap ang parangal, na may kalakip na ₱250,000 cash incentive, ng buong puwersa ng Sangguniang Panlungsod, sa pangunguna ni Vice Mayor Dr. Jun Berberabe, kasama sina Councilors Serge Atienza, Hamilton Blanco, Alyssa Cruz, Oliver Macatangay, Armando Lazarte, Karlos Buted, Julie Villena, Gerardo Dela Roca, Boy Dimacuha, Nelson Chavez, Nito Pastor, Association of Baranga Captains (ABC) President Dondon Dimacuha, at Sangguniang Kabataang (SK) Federation President Marjorie Manalo. Nakiisa rin sa pagtanggap ng nasabing national award sina 5th District Board Members Arthur Blanco at Claudette Ambida.

Nauna na nang kinilala ang Sangguniang Panlungsod ng Batangas bilang Provincial Winner ng 2018 Local Legislative Award sa parehong kategorya, na iginawad naman ng DILG Batangas Province at ni Batangas Gov. DoDo Mandanas.

Ang Local Legislative Award ng DILG ay nabuo, katuwang ang PCL, at unang iginawad noong taong 2006. Dito ay kinikilala ang mahusay na pagganap ng mga lokal na mambabatas sa mga Sangguniang Panlungsod at Bayan, tungo sa makabuluhang lokal na pamamahala, kagalingan ng mga mamamayan at kaunlaran ng kani-kanilang lugar na pinaglilingkuran. – Marinela Jade Maneja, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2

Comments are closed.