RICH BATANGAS Ad Partners, kinilala sa Kapitolyo

Batangueño Math Wizards, kinilala sa Kapitolyo
July 15, 2019
2019 Palarong Pambansa, CALABARZON Heroes Games medalists, tumanggap ng insentibo
July 16, 2019

June 15, 2019

Ang higit pang pagpapayabong ng turismo sa Lalawigan ng Batangas ang isa sa tinututukan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pagpapatupad ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO), na kamakailan ay inilunsad ang tourism campaign na “FUN, FOOD, FAITH sa Rich Batangas,” kaagapay ang iba’t ibang Local Government Units (LGUs) at pribadong sektor.

Kaugnay nito, binigyang pagkilala ni Gov. DoDo Mandanas ang mga indibidwal at organisasyon na nagiging katuwang ng pamahalaang lokal sa patuloy na pagpapaunlad ng turismo sa lalawigan noong ika-15 ng Hulyo 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Unang ginawaran ng pagkilala sina Mayor Pong Mercado ng Munisipalidad ng Taal at Mayor Jurly Manalo ng Munisipalidad ng Lobo, sa kanilang aktibong pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan sa STAR Tollway Corporation at pribadong sektor patungkol sa patuloy na pagsusulong ng turismo sa kanilang mga bayan.

Nakatanggap din ng Certificates of Recognition ang HDI ADMIX, ang billboard partner ng Lalawigan ng Batangas; LIMA Park Hotel at Club Balai Isabel, bilang mga pangunahing hotel and resort partners; Reese Tayag at Aiyana Perlas, social media influencers na pinalalaganap ang Rich Batangas sa pamamagitan ng kanilang online reach sa Youtube, Facebook at Instagram; at, ang STAR Tollway, na tumatayong pangunahing partner ng lalawigan sa kampanyang Rich Batangas.

Sa inisyatibo ng STAR Tollway, nakapagsagawa ng media tour sa iba’t ibang lugar sa lalawigan kasama ang mga social media influencers na siyang tampok sa apat na operational LED Billboards sa Metro Manila, na nagpapakita ng naggagandahang atraksyon sa mga bayan ng Lobo, Talisay at Taal. Ang mga nasabing video advertisements tungkol sa Batangas ay matutunghayan sa Greenhills, San Juan; Marikina City; at, Cubao, Quezon City. – Marinela Jade Maneja, Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.