Republic Act 10821 and Child Protection Seminar, isinagawa

Batangas Provincial Highway Patrol Team, Pinakamagaling sa Bansa
June 26, 2019
Gov. DoDo muling nanumpa sa katungkulan, nagbahagi ng State of the Province Address
July 1, 2019

June 30, 2019

Isinagawa ang Orientation Seminar tungkol sa Republic Act (RA) 10821 o Children’s Emergency Relief and Protection Act at Child Protection Minimum Standard in Humanitarian Action, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), na ginanap noong ika 27 hanggang 28 ng Hunyo 2019 sa Provincial Planning and Development Office Conference Room, Capitol site, Batangas City.

Ang nasabing batas ay inaasahang makalilikha ng komprehensibong plano sa buong bansa para protektahan ang mga batang apektado ng kalamidad.

Ito ay kinabibilangan ng pagpapabuti sa family tracing para sa mga menor na walang kasama, hiwalay na data collection para sa pagtukoy sa mga bata, child-focused emergency trainings at paglilimita sa paggamit sa mga paaralan bilang mga evacuation center upang mabilis na makapagpatuloy sa eskuwela ang mga bata.

Naging panauhing tagapagsalita sa dalawang araw na seminar si Mr. Joven E. Dicen, Program Manager ng Gems Heart Outreach Development Inc., na tinalakay ang karapatan ng mga bata sa oras ng kalamidad.

Binigyang diin ni Dicen ang ilan sa mga karapatan ng bata, tulad ng karapatang umunlad sa pisikal, emosyonal, mental at intelektwal na aspeto. Dagdag pa niya, isa sa pinakamalaking bahagi ng batas na ito ay ang kahandaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang pambansang ahensiya na pagbutihin ang mga serbisyong may kaugnayan sa pagsusubaybay at pagpoprotekta sa mga batang mahina at apektado ng mga kalamidad.

Dumalo sa seminar ang ilan sa Provincial Response Emergency Committee na kinabibilangan ng Provincial Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Provincial Health Office (PHO), Department of Education (DepEd), Philippine National Police (PNP), at Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO). Naging bahagi din ng seminar ang ilang Municipal Risk Reduction and Management Council at mga focal persons nito na kung saan ang kanilang bayan ay malimit daanan ng kalamidad. – JunJun De Chavez, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.