Rehabilitasyon ng Batangas Bay Watershed, Muling Tinalakay

Pagdiriwang ng Women’s Month ng Batangas Capitol, Ibinahagi ng PSWDO
March 19, 2021
Narra Seedlings Itinanim sa Brgy. Bigain, San Jose; Monte Maria Shrine, Batangas City
March 19, 2021

March 19, 2021

Presentation of the Speaker on the result of the Study entitled “An Assessment of the Sources and Distribution of Nutrient Emissions (Nitrogen and Phosphorus) in the Batangas Bay Watershed using the Regional Nutrient Fluxes Model”

Muling nagsama-sama kamakailan para sa isang virtual na pagpupulong ang mga pinuno ng City at Municipal Environment and Natural Resources Offices, City at Municipal Planning and Development Offices, at mga kinatawan mula sa mga bayan na nasasakupan ng Batangas Bay Watershed, kabilang ang Batangas City, Ibaan, Rosario, Padre Garcia, Taysan, San Jose, Lipa City at Cuenca, upang pagtalakayan ang rehabilitasyon ng nasabing look.

Inilahad at tinalakay sa pagpupulong na ito ang resulta ng isinagawang pag-aaral, na may pamagat na “An Assessment of the Sources and Distribution of Nutrient Emissions (Nitrogen and Phosphorus) in the Batangas Bay Watershed using the Regional Nutrient Fluxes Model”, at pagtatasa sa mga ilog na nakapalibot sa nasabing walong bayan na pinanggagalingan ng mga nutrients, gamit ang Regional Nutrient Fluxes Model (RNFM) na ipinakilala ng Partnerships on Environmental Management for the Seas of East Asia o PEMSEA. Sa pamamagitan ng RNFM, maaaring patakbuhin ang mga pagtatantya ng sitwasyon at mga pagpapakita sa hinaharap para sa iba’t-ibang mga driver ng pagpapalabas ng nutrient.

Tinukoy at tinalakay din sa pagpupulong kung paano maaaring gabayan ng mga resulta at rekomendasyon mula sa pag-aaral ang walong bayan sa pagbubuo ng mga naaangkop na istratehiya at pagpapahusay ng mga patakaran o ordinansa para sa rehabilitasyon, tuloy-tuloy at pinagsamang pamamahala ng nutrient pollution sa Batangas Bay Watershed.

Kaugnay nito, kinakailangan ang pagkuha ng mga bagong datos o impormasyon tulad ng populasyon ng hayop, bilang ng mga sambayanan, at bilang ng mga poultries at piggeries na sumasaklaw sa mga taong 2016 hanggang 2020, bagaman at limitado lamang sa mga tributary ng mga barangay, upang mai-update din ang resulta ng nutrient pollution ng Batangas Bay Watershed.

Inirekomenda rin ang pagsasama-sama ng mga pagkilos ng mga bayan para sa pagbawas o tuluyang pagkawala ng mga polusyon sa ilog at iba pang mga programa na mangangalaga sa Batangas Bay Watershed.

Kabilang ito sa mga adbokasiya ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa patuloy na direktiba ni Governor DoDo Mandanas, at sa pamamagitan ng Provincial Government-Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO), upang mas maisulong ang pagpapanatili ng isang maayos, malinis at luntiang kapaligiran sa buong lalawigan, katuwang ang mga Local Government Units (LGUs), National Government Agencies (NGAs), mga miyembro ng academe, Non-Government Organizations (NGOs) at mga pribadong samahan.

Batangas PG-ENRO – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
3

Comments are closed.