Regulasyon sa Pag-angkat, Administrasyon ng Bakuna Laban sa COVID-19, Tinalakay sa IATF Meet

Taal Volcano, Nananatili sa Alert Level 1
February 12, 2021
Programang Pang-agrikultura sa Taong 2021, Binalangkas ng Local Agri Officials ng Batangas Province
February 12, 2021

February 12, 2021

Sinimulan nang balangkasin ng Batangas Province Inter-Agency Task Force (IATF) on COVID-19 ang mga regulasyon at plano nito, sang-ayon sa nakatakdang COVID-19 Vaccine Roll-Out sa Pilipinas na inaasahan sa ikalawang kwarter ng 2021.

Sa isinagawang pulong ng Batangas IATF noong ika- 8 ng Enero, ibinahagi ni Provincial Health Officer, Dr. Rosvilinda Ozaeta, sa harap ng lupon, na pinangungunahan ni Governor Hermilando “Dodo” Mandanas, ang rekomendasyon na inilatag ng Vaccine Cluster Task Group on COVID-19 Immunization Program. Sila ang direktang nagbibigay na kaukulang paggabay sa mga miyembro ng Interim National Immunization Technical Advisory Group (iNITAG) at Department of Health Technical Advisory Group (DOH-TAG) sa gagawing malawakang pagbabakuna sa bansa.

Nakasaad sa Task Group resolution ang mga prayoridad na mga hakbang para sa epektibong National Immunization Program, na nagtatakdang maging prayoridad ang pagbalangkas ng sistema para sa nasyunal, lokal at pribadong distribusyon ng bakuna; pagtukoy sa priority group (A1) na bibigyan ng bakuna; rekomendasyon sa kriterya para sa alokasyon ng First batch ng Pfizer BionNTech Vaccines; pagsasagawa ng health profiling, screening at pagkuha ng informed consent ng mga pasyente; at, rekomendasyon para sa pag-issue ng mga vaccine cards.

Ito ay bahagi ng itatakdang 3-year vaccination roadmap ng Pilipinas, na matatapos sa taong 2023, kung saan nakatakdang bakunahan ang may 114 Milyon na Pilipino, na kabilang sa total eligible population ng bansa.

Muling binigyan-diin ni Governor Mandanas na ang Lalawigan ng Batangas ay susunod at tatalima sa mga itinakdang regulasyon ng pamahalang nasyunal, simula sa pag-angkat ng bakuna, pag-imbak at distribusyon nito, hanggang sa administrasyon ng mga bakuna sa general identified population ng lalawigan.

Nakikipag-ugnayan na rin ang pamahalaang lalawigan sa pribadong sektor para sa cold chain requirement ng mga vaccine, upang maiwasan ang malakihang pagkasira nito dahilan sa mainit na temperatura.

Dagdag pa ni Dr. Ozaeta, nagsasagawa na rin ang mga health professionals ng pagsasanay sa wastong pagtuturok ng nasabing mga bakuna dahil sa bagong uri ito ng virus. Inilalatag na rin ang rekomendasyon at kinakailangan requirements para sa pagbubuo ng mga vaccination teams.

Sa itatakdang vaccine administration plan, isinasaad dito ang Fixed Post Vaccination Strategy, kung saan gagamitin ang imprastraktura ng Rural Health Units (RHU), medical centers, hospitals, infirmaries and private clinics, at mga health facilities ng gobyerno.

Ito ay ibabase sa COMELEC Election Model, kung saan may mga itatakdang vaccine posts na pinamamahalaan DOH task force at Philippine National Police para sa seguridad.

Edwin V. Zabarte – Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.