Regional Kooperatibalitaan 2018, Isinagawa sa Lalawigan ng Batangas

Anti-Rabies Vaccination patuloy na Isinasagawa sa Buong Lalawigan ng Batangas
March 12, 2018
Estado ng Peace and Order sa Lalawigan ng Batangas, Tinalakay sa SP
March 13, 2018

Regional Kooperatibalitaan 2018. Kasama sa mga ginawaran ng assistance ang miyembro ng Kasamahalal Producers Cooperative, na samahan ng mga Muslim sa Batangas, bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-28 anibersaryo ng Cooperative Development Authority (CDA) ng CDA – Region IV, katuwang ang Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO) noong ika-12 ng Marso 2018 sa Batangas Cooperative Development Center, Capitol Compound, Batangas City. Kimzel Joy T. Delen / Photo: – Batangas Capitol PIO

Bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-28 anibersaryo ng Cooperative Development Authority (CDA), nagsagawa ang CDA – Region IV, katuwang ang Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO), ng Regional Kooperatibalitaan 2018, isang forum noong ika-12 ng Marso 2018 sa Batangas Cooperative Development Center, Capitol Compound, Batangas City.

Pinangunahan ang nasabing forum ni Regional Director Salvador Valeroso, na siyang nagbahagi ng mga mahahalagang accomplishments ng CDA katulong si PCLEDO Department Head Celia Atienza na siyang nagbigay ng pambungad na pananalita.
Ibinahagi din ni Atty. August Owen Magdato, mula sa CDA Calamba, ang tungkol sa paglilinaw sa mga isyu na may kinalaman sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law kaugnay ang Cooperative Tax Exemption at Memorandum Circular No. 2017-05 (Governance and Management Audit Report for Cooperatives). Binigyang-linaw din niya kung paano naaapektuhan ang mga kooperatiba sa pagkakaroon ng TRAIN Law.

Samantala, nagkaroon din ng launching ng Koop Kapatid na pinangunahan ni Alberto Sabarias, Senior Cooperative Development Services ng CDA Calamba. Ito ay isa sa mga proyekto ng CDA na naglalayong tumulong sa mga maliit na kooperatiba.
Dinaluhan ang nasabing pagpupulong nina Gov. Dodo Mandanas; Cong. Rico Geron, Representative ng AGAP Partylist at Chairperson ng Southern Tagalog Regional Cooperative Development Council; at mga miyembro ng mga kooperatiba ng CALABARZON at MIMAROPA.

Sa Mensahe ni Gov. Mandanas, binati niya ang mga miyembro ng kooperatiba sa kanilang anibersaryo at nagpabatid ng suporta sa lahat ng mga gawain ng kooperatiba na makakapagpapaunlad sa antas ng pamumuhay ng mga mamamayan ng Region IV lalo’t higit ang mga Batangueño. Ginawaran din niya ng assistance ang miyembro ng Kasamahalal Producers Cooperative na mga Muslim.  Kimzel Joy T. Delen – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.