Regional Farm Youth Camp 2017, Ginanap sa Lalawigan ng Batangas

Dance Sector Pormal na Binuo sa Lalawigan ng Batangas
April 19, 2017
Batangas First Level Court Judges
April 19, 2017

April 19, 2017

Ginanap ang Regional Farm Youth Camp sa Lalawigan ng Batangas na taon-taong inoorganisa ng Agricultural Training Institute Region IV-A at 4H Club Federation Region IV-A mula ika-19 hanggang ika-21 ng Abril 2017 sa Le Paradis Resort sa Padre Garcia.

Sa tatlong araw na farm camp na ito, katulong ang Office of the Provincial Agriculturist, hahasain ang leadership capabilities at patatatagin ang ugnayan at partnership ng mga 4H Club sa buong rehiyon. Hangad din ng mga bumubuo nito na magkaroon ng talakayan ng technology updates pagdating sa agrikultura at pangkabuhayan.

Ang tema ngayong taon ay “Molding the Farm Youth as Active Partners in Nation Building.” Target dito na magkaroon ng partisipasyon ang mga dadalo pagdating sa pagpapalakas ng 4H organization at buhayin ang diwa ng volunteerism, cooperation at self reliance ng kabataan at maging ang usapang social media kung saan sila aktibong nakikiisa.

Bawat lalawigan sa Region IV-A ay bibigyan ng pagkakataong ipagmalaki ang mga kuwentong ng tagumpay ng kanilang mga natatanging miyembro ng 4H Club na magsisilbing inspirasyon o modelo sa kanilang mga kasamahan.

Ilang highlights dito ay ang tradisyunal na 4H ceremonies at teambuilding activities ng buong organisasyon. Noong ikalawang araw naman ay pinaunlakan ni Governor Hermilando I. Mandanas na makasalamuha ang mga dumalo sa Governor’s Night.

Kabilang sa mga naimbitahang maging bahagi ng farm camp na ito ay ang 150 4Hers, VLAP members at provincial/municipal 4H coordinators mula sa iba’t-ibang bahagi ng Calabarzon.

Kristina Marie Joy B. Andal– Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.