Region IV-A International Cooperative Day, ipinagdiwang sa Kapitolyo

Notice of Vacant Position
July 8, 2019
Unang regular session ng 10th Sangguniang Panlalawigan ng Batangas, idinaos
July 10, 2019

July 10, 2019

International Coop Day. Kabilang sa mga nakiisa sina (mula kanan) Dr. Angelito Bagui, chairperson ng Soro-Soro Ibaba Development Cooperative, Batangas City Cooperative Development Council, at Southern Tagalog Union of Cooperatives; at Cooperative Development Authority Regional Director Salvador Velasco sa Region IV-A International Cooperative Day Celebration sa Lalawigan ng Batangas, na pinangunahan nina Mrs. Celia Atienza at Mrs. Theresa Gernale (nakasuot ng yellow shirts) ng Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office noong ika-6 ng Hulyo 2019 sa Batangas Provincial Cooperative Development Center, Capitol Compound, Batangas City. Photo: PCLEDO Batangas Capitol PIO

Matagumpay na idinaos ang Region IV-A International Cooperative Day Celebration, na may temang “Cooperatives 4 Decent Work”, sa Lalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO), noong ika-6 ng Hulyo 2019.

Ginanap ang pagtitipon sa Batangas Provincial Cooperative Development Center, Capitol Compound, Batangas City, kung saan naging tampok ang isang forum na nilahukan ng 120 coop members mula sa iba’t ibang lalawigan ng CALABARZON Region.

Ang nasabing selebrasyon ay naglalayong higit pang isulong ang “cooperativism” nang sa gayon ay masolusyunan ang kahirapan at masugpo ang kawalan ng katarungang panlipunan sa bansa.

Kaugnay nito, naging pangunahing mga paksa ang Productivity 101—Productivity Concepts, Technology and Measures; Basic Labor Standards and Occupational Safety and Health; Livelihood Opportunities; at, Job Creation and Livelihood Trainings, na tinalakay ng mga kinatawan mula sa mga ahensya ng Department of Labor and Employment, Department of Trade and Industry at Technical Education and Skills Development Authority.

Napag-usapan din sa pagtitipon ang ipinapanukalang Members Health Benefits and Expanded Primary Care Benefits sa PhilHealth para sa mga miyembro ng kooperatiba.

Samantala, ipinahayag rin sa nasabing forum ang guidelines sa registration at accreditation ng mga kooperatiba bilang employers, pati na rin ang membership nito sa mga ahensyang Social Security System (SSS) at Pag-ibig Fund.

Kabilang sa mga nakiisa sa forum sina AGAP Partylist Congressman Rico Geron, na Chairperson ng Batangas Provincial Cooperative Development Council (CDC) at Southern Tagalog Regional CDC; Cooperative Development Authority Regional Director Salvador Velasco; at, Dr. Angelito Bagui, chair ng Soro-Soro Ibaba Development Cooperative, Batangas City CDC, at Southern Tagalog Union of Cooperatives.

Tinatayang aabot sa 279 milyong manggagawa sa buong mundo ang nabibigyan ng trabaho ng mga kooperatiba o katumbas ng 10% ng labor force ng mundo. Kaya naman nakatutok ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng PCLEDO, na pinamumunuan ni Mrs. Celia Atienza, sa patuloy na pag-ayuda at pagpapaunlad ng mga kooperatiba sa lalawigan. Ito ay alinsunod sa HELP Program ni Gov. DoDo Mandanas, na ang isang tinututukan ay ang pagbibigay kabuhayan sa mga mamamayang Batangueño. – Marinela Jade Maneja, Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.