Rear Admiral Rodelas, Kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas

Gov. Dodo, Archbishop Garcera: naparito upang maglingkod, ‘di upang paglingkuran
April 21, 2017
Ecofish Project: Tagumpay sa Verde Island Passage
April 25, 2017

April 24, 2017

Binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas si Naval Inspector General Danilo R. Rodelas matapos kumpirmahin ng Commission on Appointments ang kanyang promotion bilang rear admiral ng Armed Forces of the Philippines – Philippine Navy.

Si Rear Admiral Rodelas ay tubong Tanauan City at ngayon ay kabilang na sa hanay ng mga Batangueño na naghahawak ng importanteng posisyon sa pamahalaan. Siya ay nagtapos sa Philippine Military Academy at miyembro ng Sinagtala Class of 1986.

Bago pa ang nasabing promotion, nagsilbi si Rear Admiral Rodelas bilang commander ng Naval Forces West Command na nakatutok sa pagtatanggol ng West Philippine Sea. Recipient din siya ng Four (4) Distinguished Service Star, Distinguished Service Medal, Sagisang ng Ulirang Kawal, Gawad sa Kaunlaran Medal at iba’t ibang military merit at commendation medals.

Naging daan si 3rd District Board Member Alfredo Corona upang bumuo ng isang resolusyon ang Sangguniang Panlalawigan para parangalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pangunguna ni Governor Hermilando Mandanas ang natatanging promotion ni Rear Admiral Rodelas noong ika-24 ng Abril 2017 sa Provincial Auditorium, Batangas City. Binigyan din siya ng Sertipiko ng Pagkilala mula sa Tanggapan ng Gobernador. Kristina Marie Joy B. Andal– Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.