Quarterly Allowance para sa SPED Students Muling Ipinamahagi ng Kapitolyo

Health at Development, Tinututukan ng Batangas Capitol Ngayong 2021
January 22, 2021
Operation Timbang Plus sa Lalawigan ng Batangas Patuloy na Tinututukan ng PHO
January 23, 2021

January 23, 2021

Ipinagpatuloy ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang pamamahagi ng allowance o financial assistance para sa mga mag-aaral ng Special Education (SPED) classes sa mga pampublikong paaralan sa Lalawigan ng Batangas noong ika-19 hanggang ika-21 ng Enero 2021.

600 na mga mag-aaral na Persons with Disability (PWD) ang benepisyaryo ng nasabing quarterly na proyektong pang-edukasyon, sang-ayon sa direktiba ni Gov. DoDo Mandanas.

Ayon kay Ginang Merlita S. Pasatiempo ng Tanggapan ng Gobernador, na namamahala sa nasabing pamamahagi, ang bawat isang benepisyaryo ay nauna nang nakatanggap ng sampung kilong bigas bilang ayuda.

Dahil sa pandemya, na walang face to face learning o harapang pagtuturo ng guro sa mga bata, inimbitahan ang mga magulang ng SPED pupils na magtungo sa Kapitolyo upang makuha ang allowance.

Grace Briones – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.