Quarantine Protocols sa Harap ng Banta ng New COVID-19 Variants, Tinalakay ng Batangas Quarantine Bureau

Palugit sa 15% Discount sa Buwis sa Lupa, Ipinatutupad na ng Kapitolyo
February 5, 2021
Gov. Mandanas: Sa Pananatili ng Batangas sa GCQ, Susunod Tayo sa Itinakda ng National IATF
February 5, 2021

February 5, 2021

Tinalakay ng Department of Health – Bureau of Quarantine (BOQ) ang mga bagong patakaran patungkol sa quarantine protocols para sa mga Filipino na umuuwi o bumabalik galing sa ibang bansa, at maging sa mga magbabyahe pa-abroad.

Nakapanayam noong ika-2 ng Pebrero 2021 ng B’yaheng Kapitolyo, ang opisyal na programang pang-radyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, ang Station Chief ng Batangas Provincial Quarantine Station ng BOQ, na si Dr. Masikap De Castro tungkol sa nilalaman ng Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution No. 97, na inilabas noong ika-28 ng Enero 2021.

Sang-ayon sa nasabing resolusyon, ang mga balik-bayan na galing sa mga bansang may tala ng mga bagong variants ng COVID-19 virus na mula sa South Africa at United Kingdom ay dadaan sa mas istriktong patakaran. Kabilang dito ang requirement na kinakailangang sumailalim ang mga bagong dating sa Pilipinas sa isolation.

Paliwanag ni Dr. Masikap, hindi na kaagad dadaan sa swab test ang mga pasahero paglapag ng Ninoy Aquino International Airport, bagkus ay papupuntahin na sila sa mga quarantine hotels. Sa ika-anim na araw ng quarantine, saka palang isasailalim ang mga pasahero sa swab test. Ginagawa ito, matapos makita ng DOH at IATF na marami ang nalabas na positive matapos ma-swab sa ika-6 na araw, kahit nauna nang lumabas ang mga itong negatibo.

Kung magnenegatibo sa test, saka pa lamang papayagang makauwi sa kani-kanilang bayan ang mga pasahero, kasabay ng kaukulang ulat sa mga local government units tungkol sa mga balik-bayan.

Dagdag ni Dr. De Castro, ang mga tinigilang hotel ang may obligasyong mag-report sa mga LGUs tungkol sa status ng mga bagong dating sa bansa, at ginagawa ito aniya upang matiyak ang kaligtasan ng bawat LGU sa mga banta ng bagong variants ng COVID-19.

Mga kawani ng Philippine Coast Guard naman ang susundo sa mga pasaherong magpopositibo mula sa mga isolation hotels para mailipat sa mga quarantin facilities.

Payo ni Dr. De Castro sa mga kababayang uuwi ng Pilipinas na dagdagan ang pasensiya sa mga bagong mga ipinatutupad na patakarang pangkalusugan. Ang mga Filipinong turista naman na lilipad palabas ng bansa ay inoobliga ng Bureau of Immigration na may round-trip ticket at kaukulang insurance upang makasigurong matutugunan ang mga pangangailangang medikal, kung kakailanganin.

Mon Antonio Carag III, Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.