Quarantine Facility sa Laurel, Batangas, Maayos, Malinis, Pasado sa Sanitation Protocols – Batangas PHO

Notice of Award – REPEAT ORDER: Purchase of 10,000 bags of Grocery Packs to be given to accredited volunteers, sectoral leaders and other community leaders in the Province of Batangas
January 6, 2021
Supplemental Bid Bulletin for Goods and Infrastructure Projects (January 26, 2021 Bidding)
January 12, 2021

January 7, 2021

“Maaring ‘di lang umabot sa “standards” ng ilang bisita”

Maaaring hindi lamang umabot sa kanilang inaasahang “standards” kaya naging negatibo ang opinyon ng ilang mga dayuhan at at balikbayang Pilipino na dinala sa Canyon Woods Residential Estate sa Laurel, Batangas para sumailalim sa 14-day quarantine noong ika-30 ng Disyembre 2020.

Ito ang naging pahayag ni Dr. Gerald Alday, na tumatayong Incident Commander ng Batangas Inter-Agency Task Force Against COVID-19, sa naging isyu sa naturang quarantine facility na ipinagagamit ng libre ng pamahalaan. Sa isinagawang IATF meeting noong ika-4 ng Enero 2020, inatasan ni Governor DoDo Mandanas ang Provincial Health Office (PHO) na ipahayag sa publiko ang kanilang ginawang inspeksyon sa naturang isolation facility na nasa lalawigan.

Ayon sa ilang mga bisitang dinala dito, hindi raw katanggap-tanggap ang mga kundisyon ng Canyon Woods kung kaya at nagpalipat sila sa mga hotel na quarantine facilities sa Metro Manila na sila na mismo ang magbabayad.

Sa pakikipag-ugnayan ni Dr. Rosvilinda Ozaeta, Batangas Provincial Health Officer, kay Ginoong Mike Salalima, Coordinator ng Oplan Kalinga, kaagad na nabigyan ng release order ang mga tumangging tumigil sa nasabing hotel.

Binigyang-diin ni Dr. Alday na nang mabalitaan nilang may nagreklamo ay “on the spot” ay nagsagawa agad ang Batangas IATF at Provincial Health Office ng inspeksyon sa nasabing pasilidad.

Napatunayan naman sa kanilang naging pagbisita sa hotel sa Barangay San Gregorio sa Bayan ng Laurel na maayos at malinis ang lugar, na pasado sa sanitation protocols at minimum health standards.

Dagdag pa ni Dr. Alday, malaking tulong sa mga sumasailalim sa isolation at quarantine na libre ang pagtigil sa nasabing hotel, na kasama na ang pagkain sa “almusal, meryenda sa umaga, tanghalian, meryenda sa hapon, at hapunan.”

Kaugnay nito, nagsalita rin si National Task Force Against COVID-19 deputy implementer Vince Dizon na tatlong buwan na nilang ginagamit ang Canyon Woods bilang isolation at quarantine facility, at maayos at malinis nga ang hotel, bagaman at hindi ito isang five-star facility.

Vince Altar / with reports from Jenny Aguilera – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.