Pulong Agrikultura sa Harap ng “New Normal” Isinagawa sa Batangas Province

56 Estudyante, Benepisyaryo ng SPES sa Lalawigan ng Batangas
August 28, 2020
Batangas PDRRMO Ambulance, Patuloy ang Paghahatid ng COVID-19 Patients
August 29, 2020

August 28, 2020

Isinagawa noong ika-27 ng Agosto 2020 ang 3rd Quarterly Meeting ng Deparment of Agriculture (DA), kung saan tatalakayin ang mga tampok na programa ng kagawaran para sa produksyon ng palay, mais, high-value crops, organic crops, at livestock, sa Provincial Demonstration Farm ng Batangas Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) sa Bolbok, Lungsod ng Batangas.

Layunin ng pagpupulong na bigyang-diin sa mga kawani ng mga local government units ang pagpapatupad ng mga naaayong hakbang, kaugnay ng kasalukuyang New Normal na dulot ng COVID-19 pandemic, sa pakikisalamuha at pagdadala ng mga proyekto at aktibidad ng pamahalaan sa mga magsasaka, mangingisda at mga naghahanap-buhay sa sektor ng agrikultura.

Bilang frontliners, nais ng DA na maisakatuparan ang mga programa nito upang masiguro ang walang patid na food supply sa bansa, sa kabila ng mga bantang pangkalusugan.

Ang pulong ay pinangangasiwaan ng DA – CALABARZON, sa pangunguna ni Regional Executive Director Arnel De Mesa, at Batangas OPAg, sa pangunguna ni Engr. Pablito Balantac, at dinaluhan ng mga city at municipal agriculturists at veterinarians ng lalawigan.

Batangas Capitol PIO – VIA

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.