“Puhunan ko, para sa iyong pagbabago”, proyekto ng Batangas PNP noong ECQ

Teknikal at mga Medikal na Gawain Laban sa Pagakalat ng COVID 19 Tuloy–tuloy na Isinasagawa sa Lalawigan
July 1, 2020
Mobile Markets, PPEs at Med Supplies, Ilan sa mga Proyekto ng Kapitolyo mula sa Kabahagi sa Generating Companies Sales
July 6, 2020

July 1, 2020

Ilang mga drug surrenderees ang binigyan ng pagkakataon ng Batangas Provincial Police Office (BPPO) katuwang ang Lipa City Police Station na maging bahagi ng laban ng pamahalaan kaugnay ng COVID-19 pandemic.

Sa proyektong community market o talipapa, layunin ng BPPO na makatulong sa komunidad na makasunod sa physical distancing at makaiwas ang mga mamamayan na magpunta sa matataong lugar tulad ng palengke, alinsunod sa mga batas at itinakdang health protocols.

Gamit ang puhunang nalikom mula sa kontribusyon ng mga PNP personnel sa Lalawigan ng Batangas, nagtitinda ang mga drug surrenderees ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng bigas, isda at sari-saring gulay sa mga barangay na noon ay may ilang kaso ng COVID-19.

Ang nasabing proyekto, na naunang inilunsad sa Lungsod ng Lipa, ay ipinatupad din sa iba’t ibang munisipyo at siyudad ng probinsya para makatulong na mabawasan ang dami ng mga taong pumupunta sa kani-kanilang pamilihang bayan.

Ayon kay Batangas Police Provincial Director P/Col. Rex Arvin Malimban, nakatulong din ang talipapa project sa mga indibidwal, na nauna nang sumuko kaugnay ng anti-illegal drugs campaign ng PNP na Project Double Barrel, at nakatapos na sa Simula ng Pag-asa (SIPAG) and Recovery Wellness program, na magkaroon ng hanapbuhay o pagkikitaan.

Bukas ang tindahan mula ala-6 hanggang alas-11 ng umaga, at istriktong pinaiiral ang wastong mga panuntunang pangkalusugan para sa kaligtasan ng mga mamimili at mga nagpaganap ng proyekto.

Jun Magnaye – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.