Public Online Communication, Isusulong ng Kapitolyo sa Harap ng Banta ng COVID-19

Taniman para sa mga Taal Volcano Evacuees Kabilang sa mga Proyekto ng Provincial Agri Office
June 4, 2020
Project ARK: 5,400 Rapid Test Kits Tinanggap ng Lalawigan ng Batangas
June 4, 2020

June 4, 2020

Bilang pagtiyak ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa tuloy-tuloy na paghahatid ng serbisyo publiko sa bawat Batangueño, sa kabila ng patuloy pa ring banta ng COVID-19, tatanggap ng mga opisyal na mga katanungan ang bawat tanggapan ng Kapitolyo sa pamamagitan ng social media platform na Facebook.

Kabahagi ito ng pagsabay sa tinatawag na New Normal at isinasagawang preventive measures ng Kapitolyo upang mabawasan ang physical contact at maiwasan ang pagkalat ng naturang sakit.

Maaaring magtungo sa mga ginawang FB accounts ng bawat tanggapan ang sino mang may nais maiparating ng direkta ang kanilang mga katanungan o hindi kaya naman ay mabigyang tugon ang kanilang mga pangangailan.

Nakahanda pa ring tumanggap ang Kapitolyo ng mga walk-in clients o transactions, ngunit mahigpit na pinapaalalahan ang lahat na sundin ang mga ipinatutupad na tagubilin ng Department of Health tulad ng pagsusuot ng face mask, pagdadala ng alcohol o sanitizer, at pag-obserba sa physical distancing.

Matatagpuan ang kumpletong listahan ng mga accounts ng iba’t-ibang tanggapan ng Kapitolyo sa FB page ng Batangas PIO.

PUBLIC ADVISORY | Upang mabawasan ang physical contact at maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, maaari po kayong magtungo…

Posted by Batangas PIO on Monday, 1 June 2020

Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.