PSWDO-Batangas, Nag-Uwi ng Karangalan

HELP for “Zero Cavity” Batangueño Kids
February 16, 2017
Batangas Pride
February 22, 2017

#PSWDOAwards. Tinanggap ng Lalawigan ng Batangas sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office sa pamumuno ni Gng. Joy Montalbo ang mga award na Best Province for Pantawid Pamilyang Pilipino Program Implementation, Best Initiative in Creation of Provincial Office for Senior Citizens Affairs at Salamat Po Award mula sa DSWD Region IV-A Office noong Pebrero 20,2017. Ayon kay G. Montalbo ang mga karangalang naiuwi ay hindi lamang para sa kanilang opisina kundi para sa buong Lalawigan.

Pormal na tinanggap ng Lalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office sa pangunguna ni Ms. Jocelyn Montalbo, ang tatlong awards mula sa Department of Social Welfare and Development Region IV-A Office kaugnay ng pagdiriwang ng 66th Depart of Social Welfare and Development Anniversary Celebration Pebrero 20,2017.
Best Province for Pantawid Pamilyang Pilipino Program Implementation, Best Initiative in Creation of Provincial Office for Senior Citizens Affairs at Salamat Po Award ang mga karangalang naiuwi ng Batangas PSWDO.

Ang taunang selebrasyon ay isinasagawa upang bigyang parangal ang mga natatanging lalawigan na katuwang ng Rehiyon sa pagpapalawig at patuloy na pagpapaunlad ng kanilang iba’t ibang programa. Ayon sa PSWDO, isa itong malaking karangalan para sa kanila sapagkat ngayon lamang nakatanggap ang lalawigan ng ganitong award kaya naman nanganagako sila na patuloy silang magiging masipag upang maipagpatuloy ang magandang adhikain ng kanilang tanggapan.

Personal namang tinanggap ni PSWDO Department Head Joy Montalbo ang pagkilala sa awarding ceremony na ginanap sa Alabang, Muntinlupa City.

Jestoni D. Hernandez-PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.