Prov’l. Agri: Pinsala ni #UlyssesPH sa Agrikultura sa Lalawigan ng Batangas, Higit ₱15 Milyon

Tawid Dagat na Tulong Hatid ng Pamahalaang Panlalawigan
November 20, 2020
Gov. Mandanas: Taal na Tulong, Ipaabot Natin sa mga Kababayang Sinalanta ng mga Bagyo
November 21, 2020

November 21, 2020

Umabot sa ₱15.7 million ang kabuuang halaga ng pinsalang iniwan ng Bagyong Ulysses sa agrikultura at pangisdaan sa Lalawigan ng Batangas, batay sa inilabas na Final Damage Report ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAG) noong ika-13 ng Nobyembre 2020.

Sa total assessed value, umabot sa mahigit ₱14.3 milyon ang pinsalang naidulot sa agriculture sector, at ₱1.3 milyon naman para sa fisheries.

Sa pag-uulat ni Provincial Agriculturist, Engr. Pablito Balantac, naitala ng kanilang tanggapan na nasa 392 na mga magsasaka sa lalawigan ang naapektuhan, habang 280.13 ang total area damaged na kinapapalooban ng iba’t-ibang uri ng pananim tulad ng palay, mais, cassava, mga gulay, fruit-bearing trees, at root crops.

41 naman ang naiulat na mga aquafarm operators na lubhang naapektuhan at ilang fishing gears at mga bangka naman ang napinsala sa paghagupit ng naturang bagyo.

Sa halaga ng iniwang pinsala, mas maliit ito kumpara sa halos isang bilyong piso na naging epekto sa pagsasaka at pangisdaan ng nagdaang bagyong Quinta noong ika-26 ng Nobyembre, na naging dahilan kung bakit napasailalim ang lalawigan sa State of Calamity.

Samantala, inatasan naman kaagad ni Governor DoDo Mandanas ang OPAG na agarang magbabalangkas ng mga plano at ipagaganap ang mga ito para sa mabilis na pagtugon sa mga pangangailangan ng probinsya, partikular ng mga naapektuhang magsasaka at mangingisdang Batangueño.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO / Photo: OPAg

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.