Provincial Solid Waste Management Board Meeting, Isinagawa sa Kapitolyo

Mga kabataan ng Bahay Pag-asa, sumasailalim sa Training on Bread and Pastry Production
April 23, 2018
Special Network Meeting ng Batangas Marine Protected Area at Bantay Dagat, Ginanap
April 30, 2018

April 25, 2018

Upang mas lalo pang mapagbuti at matalakay ang katatayuan ng waste management sa Lalawigan ng Batangas, idinaos ang Provincial Solid Waste Management Board Meeting noong ika-25 ng Abril 2018 sa PG- ENRO Conference Room, Capitol Compound, Batangas City.

Ang nasabing pagpupulong ay pinangasiwaan ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO), sa pangunguna nina PG-ENRO Department Head Luis Awitan at Natural Resources, Conservation and Solid Waste Management Division Chief, Engr. Joyce Faith Dijan, at dinaluhan ng tatlumpu’t isang kinatawan ng mga Batangas Local Government Units at mga tanggapan ng pamahalaang panlalawigan.

Bilang panimula, iniulat ni Dijan ang kasalukuyang katayuan ng Solid Waste Management sa bawat distrito sa lalawigan. Tinalakay dito kung ilang barangay sa bawat bayan ang mayroong umiiral na Materials Recovery Facility o MRF, Segregation of Source at Disposal Facility. Pinaalala rin na sa taong ito, pati ang Solid Waste Management ay sinasaklawan na rin ng Seal of Local Governance (SGLG), sa ilalim ng Environmental Management, kaya hindi ito lalong maaring ipagsawalang bahala.

Kasunod nito, tinalakay ni CALABARZON Environmental Management Bureau – Chemicals and Hazardous Waste Management Section and Laboratory Services Section OIC Marissa Malabana ang Republic 6969 o Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Wastes Control Act of 1990.

Partikular na tinalakay ni Malabana ang mga panganib na maaring makuha sa sariling tahanan, gaya ng hindi wastong pagtatapon ng mga light bulbs at baterya. Ayon sa kanya, maraming tao ang walang sapat na kaalaman kung paano dapat i-dispose at i-segregate ang mga ito. Ang mga mapanganib na kemikal gaya ng mercury, lead, cadmium, arsenic at iba pa sa mga produktong ito ay maaaring magdulot ng malulubhang sakit lalo na sa mga kababaihan at kabataan.

Binanggit rin niya ang iba’t ibang klasipikasyon ng hazardous wastes at proper waste management na dapat sundin ng mga LGUs para dito kabilang ang Waste Storage Requirements, Pre-Transport Requirements, Use of Registered Waste Transporters and TSD Facilities, Use of the Online Hazardous Waste Manifest System in Transporting Hazardous Waste for Offsite Treatment, Storage and Disposal at Confirmation of Treatment or Disposal Completion.  Napagpulungan rin ang tamang Hazardous Waste Storage and Labeling. – Marinela Jade Maneja, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.