Provincial Solid Waste Management Board Meeting, Idinaos

Suporta sa People’s Initiative Patuloy na Lumalakas
December 5, 2018
People’s Initiative, Patuloy na Umaarangkada sa Batangas
December 6, 2018

December 5, 2018

Upang mas lalo pang mapagbuti at matalakay ang katatayuan ng waste management sa Lalawigan ng Batangas, idinaos ang 4th Quarter Provincial Solid Waste Management Board Meeting noong ika-5 ng Disyembre 2018 sa PG- ENRO Conference Room, Capitol Compound, Batangas City.

Ang nasabing pagpupulong ay pinangasiwaan ng Provincial Government – Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO), sa pangunguna ni PG-ENRO Department Head Luis Awitan, at dinaluhan ng mga kinatawan ng mga local government units sa lalawigan at mga tanggapan ng pamahalaang panlalawigan.

Sa nasabing board meeting, binigyang-pansin ang mga kaukulang alalahanin at suliranin na kinahaharap ng mga Municipal Environment and Natural Resources Officers (MENRO) pagdating sa solid waste management sa kani-kanilang bayan at distrito.

Kaugnay nito, naglahad ng update ang mga kinatawan ng Environmental Managment Bureau (EMB) Region IV-A patungkol sa progreso ng mga nakalinya at isinasagawa nang rehabilitasyon sa mga umiiral na mga landfills sa lalawigan, pati na rin ang konstruksiyon para sa mga bayan na wala pang open dumpsite.

Ayon sa report ng EMB, napag-alamang may sampung operational na open dumpsite sa lalawigan at tatlo sa mga ito ang kasalukuyang sumasailalim sa rehabilitasyon.

Nabigyang-diin naman sa pagpupulong na ang plastic ay isa sa mga pangunahing problema pagdating sa solid waste management, hindi lamang sa lalawigan kundi pati na rin sa buong bansa, sapagkat ito ay lubhang nakakasalanta sa biodiversity ng mga karagatan.

Sa pagpupulong, binigyang-diin ang kahalagahan ng wastong paghihiwalay o segregation ng mga basura at pakikiisa sa mga kompanya na mayroong waste management services kung saan maaaring ipagpalit ang mga plastic wastes, gaya ng palara o tetra pack, banig ng gamot at iba pa, sa semento.

Samantala, pinagtalakayan rin ang Biogas Technology kung saan maaaring gawing kapakipakinabang ang mga biodegradable wastes, gaya ng animal manure na maiko-convert sa enerhiya o kuryente sa pamamagitan ng teknolohiyang ito. ✎ Marinela Jade Maneja, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.