Provincial Health Office, Nag-ulat sa Estado ng Pagbabakuna sa Lalawigan

Virtual Oath-taking ng Batangas Provincial Youth Development Council, Isinagawa
June 5, 2021
Earthquake Intensity Meter ng PHIVOLCS Ini-install sa Batangas PDRRMO
June 6, 2021

June 5, 2021

Nasa 103 ang kasalukuyang vaccination sites sa ilalim ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, kabilang ang 44 na private hospitals sa iba’t ibang bayan at lungsod, 45 na Rural Health Units, at 12 District Hospitals, na pawang mga registrado sa Department of Health (DOH).

Ito ang iniulat ni Batangas Provincial Health Officer, Dr. Rosvilinda Ozaeta, sa Batangas Provincial Inter-Agency Task Force against COVID-19, na pinangunahan ni Governor Hermilando “DoDo” Mandanas, noong ika-31 ng Mayo 2021.

Dagdag pa ni Dr. Ozaeta, nakatatanggap na ang pamahalaang panlalawigan mula sa DOH ng 65,560 dozes ng Astrazeneca vaccine, at 106,934 dozes naman ng Sinovac vaccine.

Ayon pa sa datos ng Provincial Health Office, 89,915 na ang kabuuang bilang ng mga naturukan ng bakuna laban sa COVID-19 sa pangangasiwa ng pamalahaang panlalawigan, kabilang ang 22,061 na mga naitalang nabakunahan sa mga pribadong ospital, 63, 481 sa mga Rural Health Units, at 4,373 sa mga district hospital, kasama ang Mabini Community Hospital sa Bayan ng Mabini at Provincial Dreamzone sa Lungsod ng Batangas.

Ang mga nabakunahan ay mga nasa ilalim ng kategoryang A1 o mga medical rrontliners, A2 o mga Senior Citizens at A3 o ang mga mayroong controlled comorbidities.

Mon Antonio A. Carag III – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2

Comments are closed.