Provincial Convergence and Disaster Resilience Dialogue, idinaos sa Kapitolyo

Pagsasanay sa Manicure at Pedicure with Hand at Foot Spa, muling umarangkada
March 11, 2019
Universal Health Care Law, tinalakay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas
March 11, 2019

March 11, 2019

Isinagawa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) – Batangas Province, sa pangunguna ni Provincial Director Adelma Mauleon, ang Provincial Convergence and Disaster Resilience Dialogue noong ika-8 ng Marso 2019 sa Batangas Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City.

Isinakatuparan ang nabanggit na dayalogo, sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, upang matalakay ang mas pinalakas na Operation L!STO, na naglalayong matulungan ang Local Government Units (LGUs) sa pagbuo ng mga matatag at ligtas na pamayanan sa panahon ng mga sakuna at kalamidad.

Sa kanyang mensahe sa pagtitipon, binigyang-diin ni Gov. DoDo Mandanas na nakatutok ang pamahalaang panlalawigan, sa pamamagitan ng PDRRMO, sa pagpapatupad ng mga proyekto na tiyak na mapapakinabangan ng mga mamamayang Batangueño sa mga panahon ng unos.

Pangunahing layunin ng Operation L!STO na mabigyan ng tamang kaalaman at kahandaan ang mga barangay, at pagbutihin ang kapasidad ng DILG at mga LGU tungo sa mas epektibo at mahusay na pagtugon sa epekto ng mga sakuna.

Isa sa mga tinalakay dito ang Preparedness Guide for Governors, isang manual na binuo ng DILG, alinsunod sa Operation L!STO, na nakatuon sa mga tamang hakbangin bago, sa panahon, at pagkatapos ng isang kalamidad.

Nakilahok sa pagtitipon ang mga kinatawan ng Provincial Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), PDRRM Council, Local Chief Executives (LCE), Chiefs of Police at Fire Marshalls ng Batangas Province. Marinela Jade Maneja — Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.