Provincial Avian Influenza Simulation Training Nakatakda sa ika-30 ng Oktubre

Water Tank sa Calaca Pinasinayaan
October 22, 2018
Lodlod NHS, Kampeon sa 17th DTI Tanghalang Pangmamimili sa Batangas
October 24, 2018

October 23, 2018

Pinulong ng mga opisyal ng Provincial Veterinary Office (ProVet) ang mga kasaping tanggapan ng Provincial Avian Influenza Task Force upang paghanadaan ang isasagawang Avian Influenza (AI) Simulation Training para sa mga military personnel at mga miyembro ng Provincial Avian Influenza Task Force na nakatakdang ganapin sa ika-30 ng Oktubre 2018.

Bilang paghahanda sa isang AI outbreak, ibinahagi ng ProVet sa mga kinatawan ng Provincial Health Office, Provincial Agriculture Office, Provincial Government-Environment and Natural Resources Office, Provincial Information Office, Philippine National Police Batangas at mga kinatawan ng poultry industry sa lalawigan ang ikinakasang preparasyon at pagpaplano sa isasagawang simulation.

Kabilang sa ipinakita ang mga probisyon at nilalaman ng Resolution No. 123, Provincial Ordinance No. 006 of 2016, or An Ordinance Providing for the Prevention and Control of Highly Pathogenic Avian Influenza in the Province of Batangas, kung saan nakasaad ang mga isasagawang hakbang sa pagsasagawa ng simulation exercise.

Nakapaloob sa ordinansa ang mga probisyon na pipigil sa pagpasok ng mga apektadong alagang hayop upang masiguro ang kaligtasan ng kalusugan ng mga mamamayan at proteksyon ng poultry and animal farm industry; pagbabawal ng pagbebenta ng mga manok na apektado ng AI; mahigpit na pagbabawal na paglalagay o bastang paghahalo-halo ng mga apektadong manok, bibe at baboy sa mga kulungan; at, paghihigpit ng aktibidad ng pagsasabong at pagbebenta ng mga buhay na manok sa mga pamilihan.

Binigyang-diin sa mga kasapi ng Provincial AI Task Force ang kahalagahan ng maagang deteksyon ng sakit sa mga alagang hayop; pagpigil sa pagkalat ng sakit; mabilis na pagkatay at tamang pagtatapon ng mga apektadong mga hayop; at implementasyon ng bio-security measures sa mga malalaking poultry farms.

Sa pamamagitan ng isang malakihang demonstrasyon, hangad ng Provincial AI Task Force maipakita sa mga kasapi ng media at iba pang mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan ang mga hakbang at alintuntunin na ipatutupad sa isang lokasyon sa oras na tumama ang Avian Flu.

Kabilang sa ipakikita ay ang tamang disposal ng mga manok, quarantine and vaccination procedures, paglalagay ng strategic checkpoint locations, pagpapatupad ng crisis communication network para sa mga mamamahayag at kasapi ng media at pagpapakita ng tamang dokumentasyon at pagkuha ng mga biological samples sa apektadong lugar. – Edwin V. Zabarte, Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.