Provincial Anti-Drug at Peace & Order Councils Nagsagawa ng Joint Meeting

Children’s Month, Ipinagdiwang ng Batangas Capitol
November 28, 2018
Notice of Vacant Position
November 29, 2018

Ang Batangas, tahimik at ligtas. Pinangunahan ni Batangas Gov. Dodo Mandanas ang isinagawang Joint Provincial Peace and Order Council (PPOC) at Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) meeting sa Bulwagang Batangan, Capitol Compound, Batangas City noong ika-27 ng Nobyembre 2019. Kabilang sa mga dumalo sina (mula kaliwa) Provincial Public Order and Safety Services Office Head, Atty. Genaro Cabral; Provincial Legal Officer, Fiscal Cesar Castor; PNP-Batangas Provincial Director, Atty. Edwin Quilates; at Department of the Interior and Local Government Batangas Provincial Director Adelma Mauleon. Photo: Junjun De Chavez – Batangas Capitol PIO

Sa patuloy na pagsusulong ng paglaban sa ipinagbabawal na gamot at pagpapanatili ng kaayusan sa Batangas Province, isinagawa ang Joint Provincial Peace and Order Council (PPOC) at Provincial

Anti-Drug Abuse Council (PADAC) meeting, na pinangunahan ni Governor Dodo Mandanas, sa Bulwagang Batangan, Capitol Compound, Batangas City noong ika-27 ng Nobyembre 2019.

Tinalakay sa naturang pagpupulong ang programa sa kampanyang kontra droga sa lalawigan, sang-ayon sa planong inihain at ipinasa ng PADAC, sa pangunguna ni Dr. Amante Moog, Department Head ng Provincial Assistance for Community Development Office.

Kasunod nito, ginawaran ng Sertipiko ng Pagkilala sina Shiella Marie Burgos ng Council for the Restoration of Filipino Values; Christine Elain Andal at Mary Grace Sol Catubay ng Provincial Public Order and Safety Services Department; Police Chief Inspector Julius Alvaro at PO1 Khellene Mae Querubin ng PNP-Batangas Province bilang kaagapay ng Batangas Provincial Audit Team (BPAT) sa 2017 Provincial Peace and Order Council Audit-Tabletop Validation na ginanap noong October 4-5, 2018 sa DILG Batangas Provincial Office, Batangas City. 📷 Maccvenn Ocampo ✎ Junjun Hara De Chavez, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.