Provincial Agri Office Naghatid ng Pagsasanay sa Batangas Rural Improvement Club

Kapitolyo Nakatanggap ng Ultra-Low Frequency Freezers para sa COVID-19 Vaccines
July 31, 2021
Kapitolyo, Nakiisa sa 2021 International Day of Conservation of Mangrove Ecosystem
August 1, 2021

July 31, 2021

Dagdag na kaalaman para sa miyembro ng Rural Improvement Club (RIC) ang inihatid ng Batangas Provincial Agriculture Office noong ika-29 ng Hulyo 2021.

Sa pangunguna ni Mrs. Melinda Mendoza, Section Chief ng Rural-Based Organizations Section ng nasabing tanggapan, kasama sina Mrs. Sonia Garcia at Clavel Baleros, isinagawa ang online training sa paggawa ng mango pastillas at lemon grass and ginger iced tea para sa mga ginang ng magsasaka at mangingisda na kasapi ng RIC.

Ang RIC ay isa sa mga organisasyong katuwang ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultura, sa pamumuno ni Dr. Rodrigo Bautista, sa pagpapalago ng agrikultura sa Lalawigan ng Batangas, sang-ayon sa mga itinalagang layunin ng Gov. DoDo Mandanas.

Kabilang sa mga produkto ng samahan ay banana chips, ginger ale, panutsa, cassava chips, alamang, at malunggay health drink, na napagkakakitaan ng mga miyembro sa gabay at pagsasanay ng tanggapan.

Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.