Proposed Taal Tourism Belt, Isinusulong

FREE UPCAT REVIEW, Handog ni Gov. Dodo, SK Chair Banaag
September 3, 2018
Provincial Development Council: Full Council Meeting, Idinaos sa Kapitolyo
September 3, 2018

Easier Travel around Taal Lake. Based on the proposed Taal Tourism Belt plan, the lakeshore cities and municipalities will be connected by land and water through a road that will be constructed around Taal Lake; a ferry port that will connect the municipalities by water; and, from Tagaytay, through a cable car connection.

September 03, 2018

Easier Travel around Taal Lake. Based on the proposed Taal Tourism Belt plan, the lakeshore cities and municipalities will be connected by land and water through a road that will be constructed around Taal Lake; a ferry port that will connect the municipalities by water; and, from Tagaytay, through a cable car connection.

Isa sa mga pinagtutuunan ng pansin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang turismo, kung kaya naman naghihikayat ito ng iba’t ibang mamumuhunan na makatutulong sa paglikha ng mga trabaho at negosyo para sa pagpapalago ng ekonomiya kaugnay ng magagandang tanawin at tourist attractions ng lalawigan.

Sa idinaos na Provincial Development Council: Full Council Meeting sa Kapitolyo, Batangas City noong ika-30 ng Agosto 2018, ipinakita ang Proposed Taal Tourism Belt plan, sa pangunguna ng RRPayumo + Partners Architects at Green Square Properties Corporation, na naglalayong makapagtayo ng tourism areas sa palibot ng Lawa ng Taal.

Ang Proposed Project ay inaasahang makakatulong sa iba’t ibang bayan at lungsod na nakapalibot sa Taal Lake, kabilang ang Alitagtag, Cuenca, Mataas na Kahoy, Balete, Talisay, Laurel, Agoncillo, San Nicolas, Lipa City, Sta. Teresita at Tanauan City.

Isa sa mga layunin ng proyektong ito ang pagpapagawa ng isang circumferential road sa palibot ng lawa, na mas magpapadali sa pagbaybay sa mga tourist areas sa mga nabanggit na bayan; Ferry Ports na magkokonekta sa iba’t ibang bayan sa pamamagitan ng lawa; at ang Tagaytay-Lakeside cable car connection na makapagbibigay ng mas mabilis at may magandang tanawin na daan patungo sa Taal Lake mula Tagaytay City.

Kaugnay nito, inaasahang magkakaroon ng iba’t ibang themed museums, restaurants at pasyalan sa mga bayang sakop ng circumferential road, bukod pa ang pagtatayo ng mga commercial spaces at hotels na mas magpapasigla sa kabuhayan sa mga nasabing lugar. ✎ Louise Mangilin | Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.