Project ARK: 5,400 Rapid Test Kits Tinanggap ng Lalawigan ng Batangas

Public Online Communication, Isusulong ng Kapitolyo sa Harap ng Banta ng COVID-19
June 4, 2020
Notice of Vacant Positions
June 4, 2020

June 4, 2020

Tinanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang 5,400 Antibody Rapid test Kits mula sa Project Ark, isang private sector undertaking na naglalayong gawing realidad ang mass testing sa bansa, sa isang simpleng turnover ceremony noong ika-3 ng Hunyo 2020 sa Provincial Mansion, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Naisakatuparan ang proyektong ito sa suporta at donasyong hatid ng Aboitiz Group, sa pakikipag-ugnayan ni Atty. Regina Mandanas.

Ang mga test kits ay nakatakdang ipamahagi sa mga higit na nangangailangang lungsod, bayan, at ahensya sa lalawigan, na, sa mensahe ni Gov. DoDo Mandanas, bahagi ng patuloy na ipinagaganap na COVID-19 preventive health measures at pagpapalakas sa Expanded Testing na tinututukan ng Kapitolyo.

Dagdag pa ni Governor Mandanas, niyayakap ng probinsya ang ibinibigay at ginagawang paghahatid ng malasakit ng pribadong sektor na handang maglaan ng suporta para sa pagtiyak ng kaligtasan at kapakinabangan ng bawat isang mamamayan.
Kaisang kasama sa turnover ceremony sina Vice Governor Mark Leviste at Provincial Administrator Levi Dimaunahan.

Inumpisahan ang Project Ark noong Abril 24, 2020, nang isagawa ang isang massive rapid testing sa Sampaloc, Manila. Mula sa 854 na katao na sumailalim sa test, lumabas na 31 ang positibo sa COVID-19.

Ang Project Ark o Project antibody rapid test kits ay isang inisyatibo ni Presidential Adviser for Entrepreneurship and Go Negosyo founder Joey Concepcion, kasama ang ibang mga malalaking business conglomerates sa bansa na naniniwala na ang massive rapid testing ay isang epektibong paraan upang mapangalagaan ang kanilang mga negosyo, at ang buhay ng mga tao.

Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.