Programang Pang-agrikultura sa Taong 2021, Binalangkas ng Local Agri Officials ng Batangas Province

Regulasyon sa Pag-angkat, Administrasyon ng Bakuna Laban sa COVID-19, Tinalakay sa IATF Meet
February 12, 2021
Pagdaan ng Mabibigat na Sasakyan sa Taysan, Ipinagbabawal
February 13, 2021

February 12, 2021

Upang patuloy na maisulong ang sektor ng agrikultura, isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang kauna-unahang pagpupulong ng mga City at Municipal Agriculturists sa Lalawigan ng Batangas ngayong taon, na ginanap sa Provincial Agriculture Office, Bolbok, Lungsod ng Batangas noong ika- 4 ng Pebrero 2021.

Sa pagpupulong, na pinangunahan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultura, inilahad at tinalakay ang mga pangunahing programa, proyekto at aktibidad ng pamahalaang panlalawigan para sa taong 2021, na inaasahang makatutulong at magpapa-unlad sa nasabing sektor. Kabilang dito ang rice at vegetable production at tilapia fry distribution.

Ayon kay Provincial Agriculturist, Engr. Pablito Balantac, naging positibo ang isinagawang pagpupulong kung saan nagkaroon ng masusing pag-uusap sa mga magagandang plano ng bawat local government unit, mga pangangailangan ng mga lokal na tanggapan, at kung ano ang maaaring maging interbensyon ng Kapitolyo, na sa tagubilin ni Gov. DoDo Mandanas ay maging pro-active sa pagtugon sa mga maaaring maisulong na agricultural initiatives para sa kapakanan ng mga Batangueño farmers.

Kasabay sa nasabing pagpupulong, namahagi ng mga assorted vegetable seeds sa mga kinatawan ng 34 na municipalities at cities ng lalawigan.

Grace Briones / Photo: Provincial Agriculture Batangas FB Page – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.