PPEs mula sa Office of Civil Defense IV-A, Tinanggap ng Pamahalaang Panlalawigan

Notice of Award – Purchase of materials, supplies, drugs and medicines to be used for COVID-19 Pandemic
June 23, 2020
Mobile Markets, Tindahan at Paninda para sa mga Rural Areas ng Batangas, Ipakakalat
June 23, 2020

June 23, 2020

Kabilang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa mga tumanggap ng mga Personal Protective Equipment (PPE) mula sa Office of Civil Defense (OCD) IV-A na magagamit ng mga frontliners ng iba’t-ibang ahensya na pangunahing tumutugon laban sa COVID-19 pandemic.

Ang nasabing tagpo ay naganap noong ika- 21 ng Hunyo 2020 sa Batangas Provincial Sports Complex, Lungsod ng Batangas, kung saan personal na tinanggap ng pamunuan ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) mula sa mga opisyal ng OCD ang mga nasabing kagamitan.

Sa pag-uulat na isinagawa ni PDRRMO Chief Lito Castro kay Governor DoDo Mandanas sa Batangas Province Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) meeting noong ika-22 ng Hunyo, ipinaalam nito sa lupon na may kabuuang 10,000 PPEs ang natanggap ng lalawigan.

Kabilang sa mga donasyong ito ang tig-iisang libong piraso ng sterile protective suit, medical overboots, KN95 masks, surgical masks, protective gowns, head covers, face shields, aprons at 2,000 na pares ng medical gloves.

Kaagad namang nai-turn over ang mga nasabing PPEs sa Provincial Health Office upang maipamahagi sa mga frontliners ng Batangas Province na inaasahang makakatulong sa pagbibigay proteksyon sa kanilang tuloy-tuloy na pagtugon sa national health emergency na nararanasan ng lalawigan, dulot ng patuloy na pagkalat ng COVID-19 virus na tinaguriang isang global pandemic.

E.V.Zabarte – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.