Poverty Reduction, Livelihood and Employment Plan Binalangkas sa Batangas

Empleyado at Ilang Detainees ng Batangas Provincial Jail, 100% Negative sa Drug Test
June 24, 2019
SP End of Term Session, Idinaos; Vice Gov. Nas Ona at Outgoing Board Members, nagpaalam sa SP
June 25, 2019

June 24, 2019

Gumanap na host ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Governor DoDo Mandanas, sa isinagawang First Poverty Reduction, Livelihood and Employment Cluster (PRLEC) meeting, na inihanda ng Technical Education and Skills Development Authority para sa CALABARZON Cluster, noong Hunyo 21, 2019 sa Capitol Compound, Batangas City.

Layunin ng PRLEC ang epektibong pagpapaganap ng Executive Order No. 70 (EO 70) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na pinamagatang “Institutionalizing The Whole Nation Approach in Attaining Inclusive and Sustainable Peace and Creating the National Task Force to end Local Communist Armed Conflict.”

Sa mensaheng ipinaabot ni Presidential Adviser for Southern Tagalog, Sec. Jose Maria Nicomedez F. Hernandez, nakasalalay aniya ang tagumpay ng EO 70 sa epektibong pakikipag-ugnayan at tulungan ng mga line agencies na tututok sa mga aspeto ng poverty reduction, livelihood and employment para sa rehiyon.

Sa ilalim ng nasabing EO, binibigyang-diin ang kahalagahan ng “Whole Nation Approach” upang mabawasan ang paghihimagsik at rebelyon, na hindi lamang nakasalalay sa isang pure military strategy, bagkus ay tutukoy sa ugat na pinagmulan ng insurgency, at mabigyang prayoridad ang pagtatayo ng mga imprastraktura para sa mga basic services at implementasyon ng socio-economic program ng pamahalaan.

Ang pagbuo ng CALABARZON Cluster Implementing Plan, na inihanda at binuo ng TESDA, katuwang ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan, ay gagamiting hakbang upang mawakasan ang communist insurgency sa bansa.

Binigyang-pansin din sa cluster meeting workshop ang mga hakbang sa pagbalangkas ng sistema upang mabawasan ang kahirapan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman, kakayahan at kabuhayan, kabilang ang mga rebel returnees na magbabalik-loob sa gobyerno. / Edwin V. Zabarte, Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.