PNP PD, Nag-ulat sa SP tungkol sa Peace and Order sa Batangas Province

PhilHealth Multi-Sectoral Fraud Awareness Forum, Isinagawa sa Batangas sa Unang Pagkakataon
June 27, 2018
PDC Muling Nakiisa sa Ginanap na Joint General Assembly Meeting
June 28, 2018

June 27, 2018

Nagbigay ng ulat sa lingguhang session ng Sanguniang Panlalawigan noong ika-25 ng Hunyo 2018 ang bagong talagang acting Provincial Director ng Batangas Provincial Police Office, na si Police Senior Superintendent Atty. Edwin A. Quilates tungkol sa kanilang accomplishments at estado ng peace and order sa lalawigan.

Ilan sa mga iniulat ni PSSupt. Atty. Quilates ang mga krimen tulad ng shooting incidents, robbery, holdup, drugs at iba pang mga krimen na sa kasalukuyan ay sumasailalim pa sa imbestigasyon.

Binigyan pansin din sa ulat ang illegal drugs kung saan ang proposed program ay ang pag-monitor at assessment sa bentahan ng illegal drugs, mula sa mga barangay patungo sa mga probinsya.

Nabanggit din ni Atty Quilates ang tungkol sa mainit na issue ng mga tambay. Aniya, hindi nila gagamitin ang salitang tambay at tatawagin ang mga itong violators ng municipal at city ordinance. Ibinigay pa niyang halimbawa ang Lungsod ng Lipa na may na nagpapatupad ng curfew sa mga minors.

Ayon pa sa Provincial Director, nagbaba na sila ng memo na pagsasabihan na lamang ang mga makikita sa daan na umuwi at ipapaliwanag ang ordinance na kanilang nilalabag. Kung magkakaroon ng violence, saka pa lamang dadalahin ang mga ito sa police station. Sa mga minors naman na lumalabag sa curfew, sila ay dadalahin sa station at ipapasundo sa kanilang mga magulang. – Shelly Umali – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.