PNP Chief Eleazar Nakipagtalakayan sa mga Opisyal ng Batangas LGUs

Mga biktima ng Bagyong Jolina, Dinalahan ng Ayuda
September 18, 2021
Estado ng Hanapbuhay: Ika’y Magtanim / Mangisda Program, Tinalakay sa Online Agri Meet
September 18, 2021

September 18, 2021

Mainit ang naging pagtanggap ng pamunuan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas kay Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Guilermo Lorenzo Eleazar, nang bumisita ito sa lalawigan para sa Local Chief Executives engagement noong ika-14 ng Setyembre 2021 sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City.

Sinalubong ang PNP Chief nina Vice Governor Mark Leviste at Provincial Administrator Levi Dimaunahan nang makipagpulong ito sa ilang mga punong bayan ng Batangas, sa pangunguna ni League of Municipalities of the Philippines – Batangas President at San Jose Mayor Ben Patron, kasama ang mga mga opisyal mula sa hanay ng CALABARZON at Batangas PNP.

Naging sentro ng talakayan ang pagpapalakas ng koordinasyon sa pagitan ng kapulisan at mga local government units, na isa rin sa matagal nang tinutututukan ni Gov. DoDo Mandanas, bilang bahagi ng kaniyang governance thrust na H.E.L.P program, upang mapanatili ang peace and order sa probinsya.

Sa naging mensahe ni Gen. Eleazar, ibinahagi niya na patuloy na ipinatutupad sa hanay ng kapulisan ang kanyang programang “Intensified Cleanliness Policy” na naglalayong itama agad ang pinakamaliit na mga problema sa serbisyo upang matugunan ang mga ito bago pa lumala. Ito aniya ay hindi lamang ito para sa kalinisan ng mga police stations sa bawat bayan, kundi para rin sa pagsasaayos ng negatibong pananaw ng publiko sa mga pulis.

“Hindi ito laban ng barilan,” sabi ni Eleazar. “Ito ay laban ng pakikipag-ugnayan sa ating mga kababayan upang mapalapit sa kanila to gain and win their hearts and minds.”

Nagpasalamat din si Eleazar sa mga local chief executives na katuwang ang kapulisan sa pagpapatupad ng peace and order sa kani-kanilang mga bayan patungo sa economic development.

Nakiisa rin sa nasabing pagtitipon sina PNP Region IV-A Director, PBGen. Eliseo Cruz; Batangas PNP Acting Provincial Director, Col. Glicerio Cansilao; 5th District Senior Board Member Claudette Ambida; at 5th District Board Member Arthur Blanco.

Jayne Elarmo – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.