Pinsala ng Bagyong Quinta sa Agrikultura at Pangisdaan sa Lalawigan ng Batangas, Umabot sa higit ₱990 Milyon

Bagyong Rolly Situation Briefing and Planning, November 1, 2020 (8:30 AM)
November 1, 2020
Notice of Vacant Position
November 3, 2020

November 1, 2020

May kabuuang ₱992,492,062 milyong piso ang halaga ng iniwang pinsala sa hanay ng agrikultura at pangisdaan ng bagyong Quinta sa Lalawigan ng Batangas, batay sa inilabas na Final Damage Report ng Office of the Provincial Agriculturist noong ika-29 ng Oktubre.

Sa total assessed value, umabot sa mahigit ₱529.9 milyon ang pinsalang naidulot sa agriculture sector at ₱462.5 milyon naman para sa fisheries.

Sa pag-uulat ni Provincial Agriculturist Engr. Pablito Balantac, naitala ng kanilang tanggapan ang kabuuang 7,490 na mga magsasaka sa lalawigan ang naapektuhan habang 4,102 ang total area damaged na kinabibilangan ng iba’t-ibang uri ng pananim tulad ng palay, mais, cassava, mga gulay, fruit-bearing trees, at rootcrops.

407 naman ang naiulat na kabuuang bilang ng aquafarm operators na lubhang naapektuhan at 875 fish cages ang napinsala sa paghagupit ng bagyong Quinta noong ika-26 ng Oktubre.

Sa kasalukuyan, naaprubahan na ng Sangguniang Panlalawigan, sa bisa ng Resolution No. 855, ang pagsasailalim sa Lalawigan ng Batangas sa State of Calamity na magbibigay-daan sa probinsya, alinsunod sa direktiba ni Governor DoDo Mandanas, na agarang makapagbalangkas at makapagpaganap ng mga plano para sa mabilis na pagtugon sa mga pangangailangan ng probinsya at ng mga mamamayang Batangueño.

Mark Jonathan M. Macaraig / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.