PhilHealth Multi-Sectoral Fraud Awareness Forum, Isinagawa sa Batangas sa Unang Pagkakataon

Batangueño PWDs Sumailalim sa Assesment, Measurement para sa Libreng Artificial Leg
June 27, 2018
PNP PD, Nag-ulat sa SP tungkol sa Peace and Order sa Batangas Province
June 27, 2018

June 27, 2018

Nagsagawa ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth Region IV-B ng isang Multi-Sectoral Fraud Awareness Forum sa pakikipag ugnayan sa National Health Insurance Program o NHIP na ginanap sa Pontefino Hotel, Gulod Labac, Batangas City noong ika-25 ng Hunyo 2018.

Ito ay alinsunod sa Republic Act 7875 o mas kilala bilang “An act instituting a National Health Insurance Program for all Filipinos and establishing the Philippine Health Insurance Corporation for the purpose” at Republic Act No. 2382 o “The Medical Act of 1959”.

Isinagawa ito sa unang pagkakataon para sa Lalawigan ng Batangas at iba pang lalawigan sa region IV-B kung saan naglalayong magtatag ng pakikipagtulungan sa iba’t ibang mga stakeholder ng NHIP na labanan ang pandaraya sa pangangalagang pangkalusugan.

Ang pagtitipon ay dinaluhan ng iba’t ibang stakeholders mula sa iba’t ibang Medical Centers at Local Government Units (LGUs) ng mga lalawigan ng Region IV-B, kabilang ang Marinduque, Occidental & Oriental Mindoro, Palawan at Romblon at mga kinatawan ng Lalawigan ng Batangas.

Sa gabay ng temang “Reinforcing Active Partnerships with the stakeholders towards an Empowered National Health Insurance Programs”, inaasahang makatutulong ang forum upang makapagtaguyod ng kamalayan sa mga tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan hinggil kampanyang anti-fraud ng Philhealth.

Layunin din nito na mabigyang pansin ang kasalukuyang programa nito na itinutulak upang kilalanin at kontrolin, kung hindi man tuluyang mapigilan, ang mga pandaraya, mga red flags at mga kaso. – Jean Guerra at Louise Mangilin – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.